Chapter 10.3

3.4K 79 2
                                    

PASADO ala-una na ng hapon nang makaalis sila ni Christopher sa bahay nila sa Magallanes. Naging maayos naman ang pagbisita niya sa mga magulang niya doon. Kinuwentuhan siya ng kanyang Mama ng ilang bagay habang kausap ng kanyang Papa si Christopher. Ngayon nga ay papasok na sila nito sa loob ng Azcarraga Hospital nang mapatigil ito dahil sa nasalubong na isang kakilala.
“Mauna ka na, Liz,” sabi nito sa kanya. “Susunod na lang ako.”
Tumango na lang siya at iniwan na ito at ang kausap nitong sa tingin niya ay isa ring businessman. Binati niya ang nurse na nasa front desk. Sinabi nitong nasa opisina daw nito si Matthew. Pagkatapos magpasalamat ay dumiretso na siya sa opisina nito.
Bahagyang nakabukas ang pinto kaya sumilip muna siya doon. May kausap itong isang babae na sa tingin niya ay nagpapa-check up dito. Maya-maya lang ay tumayo si Matthew at lumapit dito. Nagulat siya nang tumayo din ang babaeng kausap nito at niyakap ito ng mahigpit. Sino ang babaeng iyon? Ano ang relasyon nito kay Matthew? Nakita pa niya nang tumaas ang kamay ni Matthew at marahang hinagod ang likod ng babae.
She couldn’t hold it in; she couldn’t just look at them. Humakbang siya papasok sa kuwarto at tinawag ang pangalan nito. “Matthew…”
Napalingon ito sa kanya at ngumiti. Kumalas naman dito ang babaeng nakayakap at tumingin din sa kanya.
“Liz,” wika ng babae at humakbang palapit.
Kumunot ang noo niya. Kilala niya ba ang babaeng ito?
“You probably can’t remember me, I’m Alyzza,” pagpapakilala nito.
Tinitigan niya itong mabuti. Hindi niya ito maalala. May relasyon ba ito kay Matthew? Iyon ang gusto niyang malaman. Hindi niya ito sinagot kaya ngumiti lang ito at muling bumaling kay Matthew.
“Thank you,” sabi nito sa lalaki. “Babalik na lang ako sa susunod,” bumaling ulit ito sa kanya. “I wish for your full recovery, Liz,” pagkasabi noon ay tumungo na ito sa pinto at sinarhan iyon bago tuluyang umalis.
Bumalik na sa upuan nito si Matthew. Ngumiti ito sa kanya pero hindi niya iyon ginantihan.
“Sino siya?” tanong niya dito.
“Si Alyzza, kaibigan mo,” sagot nito habang nakatingin sa notes na nasa mesa nito.
Lumapit siya dito. “Bakit siya nakayakap sa’yo?”
Tumingin ito sa kanya at ngumiti. “May problema kasi siya. Bakit? Hindi ba inire-reto mo siya sa akin noon?”
Nagulat siya sa sinabi nito. “Talaga?” napaisip siya. Wala siyang matandaang inire-reto niya ito dito. Malungkot siyang tumingin dito. “Gusto mo ba siya?”
Nagkunwa itong nag-iisip. “Well, she’s beautiful. She’s kind, sexy and—”
“Stop it,” putol niya. Naiinis na siya dito. “Hindi ko siya maalala.”
“Bumisita ka na ba sa parents mo?” tanong nito.
Tumango siya at umupo sa kandungan nito. Nakita niya ang pagkislap ng mga mata nito sa ginawa niya. Pinagsawa niya ang mga mata sa guwapong mukha nito.
“Do you want to go on a weekend trip?” bulong nito.
“Really?” excited na tanong niya.
“Oo, wala naman akong gagawin ngayong weekend. Ano sa tingin mo? Gusto mo bang pumunta sa mansiyon ko sa Tagaytay? Three days and two nights tayo doon.”
Mabilis ang naging pagtango niya. Hindi pa siya nakakapunta sa mansiyon nito sa Tagaytay, gusto niya ring makita ang ganda ng lugar na iyon. Ngumiti siya at ipinaikot ang mga kamay sa leeg nito, lumapit siya dito para bigyan ng mabilis na halik ang mga labi nito. Nakita niya ang muling pagkislap ng mga mata nito.
“What’s that for?” he asked, his voice now husky.
Nahihiya siyang tumingin dito. “Thank you,” bulong niya.
Gumuhit ang isang ngiti sa mga labi nito at ginawaran din ng halik ang mga labi niya. “You’re welcome, sweetie,” tugon nito.
She smiled and stared at him. He was staring at her, too. Then suddenly, his lips captured hers one more time for a longer kiss. Just like the first time he kissed her like that, she returned it with all her heart. His kiss was gentle, but it never failed to make her heart soar high. Hinigpitan pa niyang lalo ang pagkakayakap sa leeg nito.
“Oh, you’re so sweet,” she heard him murmured in her mouth. Naramdaman niya ang paggapang ng kamay nito sa likod niya. She sucked her breath as she felt thousands of volts traveling in her body. What she did gave Matthew enough access in her mouth; he slowly plunged his tongue inside and explored her whole mouth. She shivered at the sensation of it, ngayon niya lang iyon naranasan sa buong buhay niya.
“So sweet,” anas nito at mas lalong pinalalim ang paghalik sa kanya. She was slowly losing her breath as he sipped on her lower lip and gave it a gentle bite.
“Matthew…” she moaned. She felt wild fire that was slowly conquering her body at that time. They continued kissing each other with too much passion when the door suddenly opened. Bahagya siyang napalayo dito at napatingin kay Christopher na nakapasok na sa loob. His eyes lit in amusement while looking at them. Nahihiya siyang napayuko at tumayo mula sa pagkakaupo kay Matthew.
Narinig pa niya ang pagtikhim ni Matthew. “Christopher,” bati nito sa bagong dating.
Nakayuko pa rin siya habang lumalakad palabas ng opisina nito, alam niyang pulang-pula na ang mukha niya kaya hindi niya na muling sinulyapan ang mga ito.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 3: Matthew AzcarragaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon