Chapter 1.1

9.4K 138 2
                                    

LIEZL went inside a private hospital, it was the Azcarraga Hospital located in Greenhills, pag-aari iyon ng best friend niya na si Matthew Azcarraga. They had been best of friends since high school, transferee siya sa school na pinapasukan nila nang makilala niya ito. Napakabait nito at napakama-alalahanin kaya mabilis silang nagkasundo. Palagi itong nasa tabi niya tuwing may problema siya at palagi siyang ipinag-tatanggol sa mga babaeng naninira sa kanya dahil sa pagiging malapit niya dito. Ito kasi ang itinuturing na heartthrob ng school nila noon kaya halos lahat ng babae ay hindi niya makasundo dahil siya ang palaging nakikita ng mga ito na kasama nito. Pero wala na siyang pakialam sa mga iyon dahil kuntento na siyang ito na lang ang maging kaibigan at kasama.
Wala siyang hinihingi dito na hindi nito ibinibigay, masyado na siyang naging spoiled dito kaya ganoon na lang ang inis niya nang pinili nitong umalis ng bansa at tumungo sa America para doon ipag-patuloy ang pagdu-doktor nito. Nanatili ito doon ng sampung taon, e-mails at long distance calls lang ang naging komunikasyon nila.
Bumalik ito ng bansa isang taon na ang nakalipas, dito na ito mananatili at gagamitin ang pinagtapusan. He was now a licensed doctor, while she was working as a personal secretary of the CEO/owner of the MicroGet Company, Christopher Samaniego Jr.
Pumunta siya doon para bisitahin ito dahil halos isang linggo na rin niya itong hindi nakikita. Masyado siyang naging busy sa kumpanya ni Christopher at ito naman sa ospital nito.
Napatigil siya sa paghakbang nang tumunog ang cell phone niya. It was Justin, her long time boyfriend. They had been together for almost three years. He was a licensed customs broker. Alam niyang ito na ang makakasama niya habang buhay dahil mahal na mahal niya ito at ganoon din naman ito sa kanya.
“Yes, babe?” sagot niya.
“Where are you?” nasa tono nito ang pagkainis. Ganoon naman talaga ito, mabilis uminit ang ulo, pero sanay na siya doon. Ito ang isa sa mga nagustuhan niya dito.
“Dadalawin ko lang si Matthew, nandito ako sa ospital niya sa Greenhills. Bakit?”
“Pagkatapos mo diyan, umuwi ka na. Hihintayin kita sa bahay niyo. Kailangan na nating pumunta sa Cebu para sa kasal ni Jeremy,” tukoy nito sa isa sa mga kabarkada nito.
“Okay, hindi naman ako magtatagal dito. See you soon,” paalam niya dito. Pagkatapos ng tawag ay dumiretso na siya sa opisina ni Matthew. Pagkapasok niya sa loob ay nakita niyang wala pa ito doon. Umupo na lang muna siya sa couch na naroroon at hinintay ito.
Ilang sandali lang ay nakita niyang pumasok ito sa loob. He was wearing a light-blue long-sleeved polo and black slacks. Napapatungan iyon ng white doctor’s coat at may nakasabit na stethoscope sa leeg nito. He looked so good in that doctor’s outfit. Kaya naman napakaraming babae ang nagkakandarapa dito.
Nagulat pa ito nang makita siya. “Liz, anong ginagawa mo dito?” tanong nito habang tinatanggal ang white coat na suot at isinabit sa coat-hanger na malapit sa may pinto.
Tumayo siya sa kinauupuan. Kumunot ang noo niya nang mapansin ang pagbabago sa buhok nito. “Nagpagupit ka ng buhok?” tanong niya. Bumagay naman dito ang clean-cut na buhok nito ngayon, itim na itim iyon at bahagya pang nakataas ang parteng unahan. Mas lalong bumata ang itsura nito.
Tumango lang ito. “Wala ka bang trabaho ngayon?”
Umiling siya at humakbang palapit dito. “Pinag-break muna ako ni Christopher, nauna na kasi siya sa Cebu,” sagot niya habang inaayos ang suot nitong kurbata.
She smiled. Na-miss niya ito, hindi talaga mabubuo ang isang araw niya ng hindi ito nakikita. She was very much comfortable with him. “Pupunta ka rin ba sa Cebu? Para sa kasal ni Jeremy bukas?” Kaibigan din kasi nito ang Jeremy na tinutukoy niya.
“Oo,” marahan nitong sinuklay ng mga daliri ang mahaba niyang buhok. “Pero baka bukas na ng umaga ako bumiyahe papunta doon. May surgery operation pa ako mamayang gabi. Ikaw?”
“Aalis na kami ni Justin mamayang gabi papunta doon,” sagot niya. “Kailan ka nga pala ulit bibisita sa bahay? Tinatanong ka nina Papa at Mama, pati na rin nina Jamaica at Kuya Jerome. Simula ng umuwi ka dito, hindi pa tayo nakakapag-bonding sa bahay.”
Lumayo ito sa kanya at umupo sa upuang kaharap ng desk nito. Ipinatong nito sa headrest ng upuan ang ulo at pumikit. “Hindi ko alam kung kailan ulit ako makakadalaw doon. Since I came here, ang dami ng patung-patong na trabaho ang kinakaharap ko,” muli itong napamulat at ngumiti sa kanya. “But I’ll try, baka sa mga susunod na araw.”
Nagtatampo siyang tumingin dito. “Hindi mo na talaga ako pinagbibigyan ngayon. Ganyan na ba talaga kayong mga lalaki kapag marami ng trabahong ginagawa? Wala na kayong oras sa mga taong mahahalaga sa inyo.”
Tumingin ito sa kanya. “Bakit? Mahalaga ka ba sa akin?”
Alam niyang binibiro siya nito pero hindi niya pa rin maiwasang mainis sa sinabi nito. “What? Hindi na pala ako mahalaga sa’yo ngayon?” tinalikuran niya ito. “Ang laki na talaga ng pinagbago mo simula ng bumalik ka galing sa States.”
Lumakad siya palapit sa may pinto nang marinig niya ang pagtawag nito sa kanya. “Liz, I’m sorry… nagbibiro lang naman ako,” he apologized.
Hindi niya na ito pinansin at tumuloy na sa paglabas. Ibang-iba na talaga ito, hindi na nga siya nito mapagbigyan, napagsasalitaan pa siya ng ganoon. I hate him, naiinis niyang wika sa sarili.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 3: Matthew AzcarragaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon