Chapter 2.3

4.2K 80 2
                                    

“ANONG panonoorin natin?” tanong niya kay Matthew na naghahanap ng CD sa cabinet niya sa ilalim ng isang flat-screen television na kaharap ng kama niya.
“Ewan ko sa’yo. Ano bang gusto mo?” tanong din nito.
“Kahit ano,” tugon niya. Nakadapa lang siya sa ibabaw ng kama.
“Walang ‘kahit ano’ dito,” may itinaas itong isang thriller film. “How about this? Hindi ko pa ito napapanood.”
“Eee…” marahas siyang napailing. “I don’t like that.”
Bumuntong-hininga ito. “I like this,” iyon lang at isinalang na nito ang CD sa DVD player. He sat down on her bed and pressed the play button on the remote.
Umalis siya sa pagkakadapa at sumandal sa may headboard. She took a pillow for cover. “I told you I don’t like that.”
Tumawa lang ito.
Nasa kalahati na ang palabas pero wala siyang maintindihan sa kuwento. Most of the time ay nakataklob ang unan sa mukha niya. Si Matthew naman ay mukhang enjoy na enjoy pa sa pinanonood.
“Put down that pillow, Liz,” wika nito nang mapalingon sa kanya. “Hindi mo maiintindihan ang istorya.”
“I don’t care,” naiinis na sagot niya.
“Akala ko ba gusto mong manood?”
“Oo, pero hindi patayan,” inis pa rin niyang sagot dito. “Come here, Matt.”
Tumingin ito sa kanya. “Why?”
“So that I can watch, mapapanood ko lang naman ‘yan kapag katabi kita. Ganoon naman tayo dati, ‘di ba?”
Ngumiti lang ito at lumapit sa kanya. Sumandal din ito sa headboard at tinanggal ang unan na hawak niya.
“It’s not that scary,” he whispered.
She moved closer to him and wrapped her arms around his body. She rested her head on his chest and tried to watch the film. Hinahaplos naman nito ang buhok niya.
“Marami ka ba talagang ginagawa sa ospital?” tanong niya dito.
“Oh,” sagot nito.
“May dine-date ka ba ngayon, Matt?” pagsisimula niya para mai-benta dito ang kaibigang si Alyzza.
He sighed. “Wala, bakit?”
Tumingala siya dito. Nakatingin na din ito sa kanya. “I have this friend, Alyzza Andersonne. Sabi niya na-meet ka na daw niya. Do you still remember her?”
Napaisip ito. “Yeah, I think so. Bakit? Ire-reto mo sa akin?” hula nito.
She smiled. “What do you think? Okay lang ba?”
Ilang sandali itong hindi nagsalita bago marahang kinalas ang pagkakayakap niya dito. “Mukhang hindi ko na matatapos ang palabas. May kailangan pa nga pala akong review-hin na records ng pasyente sa ospital. Let’s watch again next time, Liz,” anito saka tumayo.
“Wait, you told me you’ll stay here,” paalala niya dito.
“I’m sorry, Liz. This is important,” sabi nito at lumabas na ng kuwarto niya.
Naiinis niyang kinuha ang remote at ini-off ang TV. How could he do this to her?

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 3: Matthew AzcarragaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon