Chapter 3.2

3.7K 83 0
                                    

BASANG-BASA na si Liezl nang makarating siya sa isang high-class condominium kung saan nakatira si Matthew. Binati siya ng guard na nandoon at tinanong kung anong kailangan niya. "Nandito ba si Matthew Azcarraga?" tanong niya. Napa-isip ito. "Hindi ko po sigurado kung nakabalik na siya, pero tingnan niyo na rin po sa loob." Tumango siya at pinasalamatan ito. She went straight to the elevator and pushed the fifth floor button. Pagkalabas niya ay mabilis niyang hinanap ang unit nito. Pinindot niya ang doorbell at iniyakap ang mga kamay sa sariling katawan, nilalamig na siya. Sana naman ay nandito si Matthew, muli niyang pinindot ang doorbell at nakahinga ng maluwag nang marinig ang pagbukas ng pinto. Gulat na napatingin sa kanya si Matthew. "Liz, anong ginagawa mo dito?" sinuyod nito ng tingin ang ayos niya. "Bakit ka sumayi sa ulan?" Nahihiya siyang napangiti at mabilis na pumasok sa loob ng unit nito. "Can I stay here for tonight? Hindi ko dala ang sasakyan ko and I also forgot to bring my umbrella, then it began to come down in buckets as I was leaving MicroGet. Ikaw lang naman ang pinaka-malapit dito na kakilala ko," aniya nang sarhan nito ang pinto. His unit was only a studio type, ayaw daw kasi nito ng malaking tirahan dahil mag-isa lang naman daw ito. Kahit na lalaki ito, napaka-linis nito sa mga gamit. Of course, he was a doctor. His place was very neat and clean, and so was he. Mukhang katatapos lang nitong mag-shower at nakasuot na ng white shirt and pajamas. Hinila siya nito palapit sa banyo. "Take a shower, para hindi ka magka-sakit. I'll bring some clothes for you." "May mga damit kang pam-babae?" nagawa niya pa itong lokohin. Tumingin ito sa kanya at umismid. "Of course, naiwan ng mga babae ko dito," ganting-biro nito. Inirapan niya ito at pinagsarhan ng pinto ng banyo. "Iiwan ko na lang iyon sa kama," narinig niyang sabi pa nito. "I'll go down to the cafeteria to buy something to munch. Suit yourself, sweetie." Sweetie? Napailing siya at napangiti. At least, hindi na ulit masama ang pakikitungo nito sa kanya. Bumabalik na ang dating best friend niya.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 3: Matthew AzcarragaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon