Chapter 19.2

3.4K 62 0
                                    


TWO months passed...

Naupo si Liezl sa sofa ng living area nila. Hawak-hawak niya ang teddy bear na si Matt habang patuloy pa rin sa pagbagsak ang mga luha sa mga mata niya.

"Matt..." bulong niya. "Alam mo ba kung nasaan na siya? Hindi ba siya nagpapakita sa'yo?" she sobbed. "Miss na miss ko na siya," marahan niyang hinaplos ang maliit na umbok sa tiyan niya. Dalawang buwan na ang dumaan simula nang mawala si Matthew, dalawang buwan na ring hirap na hirap ang kalooban niya. "Don't worry, baby. Makikita din natin si Daddy. Alam kong hindi niya tayo magagawang iwanan ng tuluyan."

Napatingin siya sa may pinto nang pumasok doon si Justin. Inilapag niya sa tabi ang teddy bear at lumapit dito.

"May balita na ba sa kanya? Ligtas ba siya?" sunod-sunod na tanong niya. Halos araw-araw itinatanong niya iyon dito.

Umiwas ito ng tingin. "Wala pa rin kaming balita sa kinaroroonan niya. Pero huwag kang mag-alala, sisiguraduhin kong makakabalik siya ng ligtas," tumingin ito sa kanya. "Huwag ka ng umiyak. Pagbabayarin namin ang kung sino mang gumawa sa kanya ng masama."

Pinunasan niya ang mga luha. "Gusto ko na siyang makita, Justin. Hindi mawawala ang pag-aalala ko hangga't hindi ko siya nakikita. Mahal na mahal ko siya."

Humakbang ito palapit sa kanya at marahan siyang niyakap. "Alam kong kung nasaan man si Matthew ngayon, nag-aalala din siya sa'yo. Alam kong ikaw din ang iniisip niya," bulong nito.

Bahagya siyang lumayo dito at tinitigan ang seryoso nitong mukha. "I'm really sorry, Justin. I'm sorry for everything."

"Huwag mo akong alalahanin," anito. "Kung siya ang makakapag-pasaya sa'yo, wala na akong magagawa."

Sabay silang napatingin sa pinto nang pumasok doon sina Thaddeus at Elij.

"Pasensiya sa abala, pare," wika ni Thaddeus, tumingin ito kay Elij.

Seryosong tumingin sa kanila si Elij. "Sa tingin ko, alam ko na kung nasaan siya."

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 3: Matthew AzcarragaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon