Chapter 3.1

3.9K 86 0
                                    

INAYOS na ni Liezl ang mga papel na nasa mesa at naghanda na para sa pag-uwi. Pasado alas-siete na ng gabi at mukhang hindi na naman babalik pa si Christopher. Lumakad siya patungo sa elevator. Nagulat pa siya nang bumukas iyon at nakita sa loob si Michael de Angelo, isang sikat na aktor sa Hollywood at sa bansa. "Hey, Liz," bati nito. He looked very handsome as ever, especially every time he flashes that gorgeous smile of his. "Are you going home? Naja pa si Christopher?" bulol na tanong nito sa Tagalog. She smiled to herself, kahit kailan talaga ay trying hard itong mag-Tagalog. Marunong naman itong umintindi ng Tagalog, pero hirap ito sa pagsasalita niyon. "Wala siya dito, he has a date," sagot niya bago pumasok sa loob ng elevator. "I see," napabuntong-hininga pa ito. "Guess, I need to go back again some other time." "Bakit ka nga pala nandito?" tanong niya. Biglaan yata ang pag-uwi nito sa bansa. "Vacation," he smiled. "I got very exhausted filming my new movie. I asked our company for a few weeks of rest. Thankfully, I was given a two-week vacation. I chose to be here, I missed the Philippines and the people here." Tumango siya. "Expect a lot of fans to surround you here every day. You know how much they're crazy about you." "Yeah, yeah," napailing pa ito. "How's Matthew, by the way? I haven't seen him for a few months." Napabuntong-hininga siya. "He's kinda busy on his hospitals here. Wala na nga siyang time sa akin. I'm starting to hate that cousin of yours." Magkapatid ang ina ng mga ito, though, matagal ng namayapa ang mga magulang ni Matthew. Ang ama ni Michael ang kumupkop dito at nagpa-aral. Bata pa lang ay magkasama na ang mga ito kaya ganoon na lang ang closeness ng dalawa. Ito rin ang namilit kay Matthew na doon na mag-aral sa States at manirahan. Siguro ito rin ang nagturo kay Matthew ng bago nitong inu-ugali ngayon. Puro kalokohan at kayabangan din kasi ang alam nitong si Michael kahit na public figure ito. He grinned. "Well, I'll just visit him in his hospital one of these days." Bumukas na ang elevator at sabay na silang lumabas sa may ground floor. "Do you have your car?" tanong nito nang makalabas sila ng MicroGet. He put on his cap. Umiling siya. Iniwanan niya iyon dahil may sira ang makina niyon, ipinadala niya na muna sa car shop kaninang umaga. "I can take you home," he offered. Nginitian niya na lang ito. "Hindi na. You need to enjoy your stay here, start your two-week vacation now. I'll take a taxi." "Are you sure?" Bago pa siya makasagot ay may narinig na silang mga babaeng nag-uusap sa likod. "Si Michael de Angelo ba 'yon?" narinig nilang tanong ng isa sa mga ito. "Oh my gosh, siya ba talaga?" kinikilig na tanong ng isa. "Oh no," bahagyang ibinaba ni Michael ang suot na cap para maitago ang mukha. "Gotta go, sweetie. Take care," iyon lang at dumiretso na ito sa loob ng sasakyan nitong isang black Mercedes Benz. Nakaalis na ito nang lumapit sa kanya ang dalawang babaeng nasa likuran. "Miss, si Michael de Angelo ba 'yong kausap mo kanina?" tanong ng isa. "Uhm..." ngumiti siya at umiling. "Hindi, kamukha niya lang." "Ganoon?" nasa mukha ng mga ito ang panghihinayang habang lumalakad palayo. Muli siyang napailing. Bakit kaya nagsi-bakasyunan ngayon ang mga nasa America? Kanina si Stacey, ngayon naman si Michael. Ilang minuto na siyang naghihintay ng taxi pero puro may sakay na ang dumadaan kaya naglakad-lakad muna siya. Maya-maya lang ay biglang bumuhos ang malakas na ulan. Mabilis siyang tumakbo papunta sa isang shed at sumilong doon. Tumingin siya sa madilim na kalangitan, mukhang hindi agad iyon titila. Inilugay niya ang nakapusod na buhok at sinuklay iyon ng mga daliri. Paano na siya ngayon makakauwi? Dapat kasi tinanggap niya na lang ang alok ni Michael na ihatid siya kanina. She sighed, bakit ba wala ring masakyan ng mga oras na ito? Then, she remembered something. MicroGet was located in Ortigas, at ang pinaka-malapit na lugar na puwede niyang puntahan dito ay ang condominium unit ni Matthew. Hindi na iyon ganoon kalayo sa kinatatayuan niya. Without second thoughts, tinakbo niya na lang ang malakas na ulan.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 3: Matthew AzcarragaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon