NAPA-ANGAT ang ulo ni Liezl mula sa binabasa niyang report nang mapansin na may lumapit sa desk niya. It was Thaddeus. Nakangiti ito at nakatanghod sa ginagawa niya.
"Si Christopher?" tanong niya dito.
"Nah," sagot nito at umiling. "Ikaw talaga ang sadya ko dito."
"Ako? Bakit?"
"Kilala mo ba 'yong personal bodyguard ko?" tanong nito.
Umiling siya. "Hindi, sino ba 'yon?"
"Her name is Elij Zuriaga," sagot nito.
Napatingin siya dito. "Elij? 'Yong ang kapatid ay naka-confine sa ospital ni Matthew?"
"Oo, kilala mo na siya?"
Tumango siya.
Bahagya itong lumapit sa kanya. "Gusto ko lang malaman, sa tingin mo ba may relasyon sila ni Matthew?"
"Wala," mabilis pa sa kidlat na sagot niya dito.
Nagulat pa ito sa mabilis na pagsagot niya. Malawak itong napangiti. "Mukhang siguradong-sigurado ka diyan, ah," tumango-tango pa ito. "Well, I'll believe you. Pero, sa tingin mo ba may gusto si Elij kay Matthew?"
Napaisip siya sa tanong nito, naalala niya nang halikan nito si Matthew sa ospital nito noon. Muli na namang nanumbalik ang inis sa dibdib niya. "Sa tingin ko," tumingin siya kay Thaddeus. Nakaabang na ito sa sagot niya. "Meron," dugtong niya.
Bumagsak ang balikat nito sa sagot niya.
Kumunot ang noo niya. "May gusto ka ba sa kanya?"
Bumuntong-hininga ito. "Mukhang nauubusan na yata ako ng appeal sa mga babae, ah," he said instead.
Napangiti siya. "Siguro nga, pero huwag kang mag-alala, malay mo balang-araw mapaamo mo rin siya," tukoy niya sa bodyguard nito. Dapat lang na mailayo nito ang babaeng iyon kay Matthew. Kung kailangang tulungan niya pa ito ay gagawin niya.
"Sana nga," napapikit pa ito. "Alam mo namang siya lang ang diyosa ko." Napangiwi siya sa ka-dramahan na naman nito. "Oo nga pala," binuksan nito ang mga mata at ngumiti. Ang bilis talaga nitong magpalit ng pag-uusapan. "Alam mo ba, may hula ako kung sino ang susunod na ikakasal sa aming mga 'breakers'," bulong nito.
Muli niyang ibinalik ang tingin dito. Tsismoso talaga ang isang ito. Pero naku-curious din naman siya sa ikinu-kuwento nito. "Sino?" tanong niya.
Tiningnan muna nito ang buong paligid bago sumagot. "Si Christopher."
Hindi makapaniwala ang tinging ibinigay niya dito. "S-Si Christopher?"
"Hula ko lang naman," dugtong nito. "Mukha kasing may tama rin ang isang iyon, eh."
Itatanong pa sana niya ang ibig nitong sabihin nang tumunog ang cell phone nito at mabilis na nagpaalam sa kanya para sagutin iyon. Sinundan niya na lang ito ng tingin. Totoo kaya ang sinabi nitong may balak na ngang magpakasal si Christopher? Kanino naman kaya? Baka sa nobya nitong si Stacey.
Ipinagkibit-balikat niya na lang iyon at muling ibinalik ang atensiyon sa trabaho.
BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 3: Matthew Azcarraga
RomanceLiezl was very much contented with her life - having a stable job, a happy family and a perfect love life with her long time boyfriend na si Justin Aguirre. Idagdag pa ang best friend na laging nasa tabi niya para sumuporta, si Matthew Azcarraga, a...