Chapter 7.4

3.4K 75 0
                                    

NANG sumunod na araw ay naisipan ni Liezl na itanong kay Matthew kung puwede na siyang lumabas ng ospital nito. Gusto niya na rin kasing pumunta naman sa ibang lugar. Nasa tapat na siya ng opisina nito nang saktong lumabas ito hawak ang isang patient’s chart. Ngumiti ito pagkakita sa kanya.
“May kailangan ka?” tanong nito.
“Are you busy?” humakbang siya palapit dito.
“Hindi naman, bakit? Gusto mong samahan kita sa kuwarto mo?”
Ngumiti siya. Pero bago pa siya makapag-salita ay may lumapit na sa kanilang isang nurse. Nasa mukha nito ang pag-aalala.
“Doc, CPR, ward 26,” wika nito.
Tumingin muna sa kanya si Matthew bago mabilis na tumakbo palayo kasabay ang nurse. Sinundan niya ang mga ito, kahit hindi niya pa masyadong kayang tumakbo. Pagkarating doon ay nakita niyang inaayos na ni Matthew ang mga tubong nakakabit sa pasyente. Pawis na pawis na ito, nakita niya rin na maayos na naman ang heart rate ng pasyente sa monitor. Mukha namang nakahinga na din ng maluwag ang mga nurses at interns na nandoon.
Tumingin si Matthew sa lalaking intern na nasa tabi nito. “Anong nangyari?” tanong nito.
“D-Doc… bigla na lang siyang nagkaganyan p-pagkatapos kong bigyan ng 12 milligrams na Percocet,” pautal-utal na tugon nito.
“You what?!” maging siya ay nagulat sa pagtaas ng boses ni Matthew. “Sinabi ko sa’yo na bigyan mo ng 2 milligrams ng Percocet ang pasyenteng ito kada walong oras!” bulyaw nito. Nakikita niya ang galit sa mukha nito, that was the very first time she had seen him provoked. “Hindi ka ba marunong umintindi ng sinabi ko?!”
Takot na napayuko ang intern na pinapagalitan nito. Maging ang ibang nandoon ay kakikitaan din ng takot.
“Being callous and careless is not a doctor’s attitude!” pagpapatuloy ni Matthew. “You know that this small mistake can cause this patient’s death! Tanggalin mo na ang pangarap mong maging doktor kung hindi mo kayang tratuhin ng tama ang pasyente mo!” pagkasabi noon ay lumakad na ito palayo. Pati ang ibang mga nurses at interns na nandoon ay bumalik na rin sa kani-kanilang gawain.
Lumakad siya palapit sa lalaking intern na nanatili pa ring nakayuko sa kinatatayuan nito. Nasa mukha nito ang pagsisisi. She casually touched his arm. “It’s okay, nagagalit talaga si Matthew kapag pinababayaan ang pasyente niya,” pag-komporta niya dito.
Tumingin ito sa kanya. “Kasalanan ko po ‘to. Muntik na siyang mamatay dahil sa akin,” tukoy nito sa pasyenteng nasa harap.
“Ganyan talaga kapag bago ka pa, just apologize to Matthew later. Kapag hindi na mainit ang ulo niya,” ngumiti siya para pasiglahin ang loob nito.
Tumango naman ito at nagpasalamat sa kanya.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 3: Matthew AzcarragaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon