Chapter 10.1

3.4K 77 1
                                    

INILAPAG niya ang teddy bear sa ibabaw ng kama pagkapasok nila sa unit nito. Napatingin siya kay Matthew na nakatayo malapit sa may pinto. Matiim ang pagkakatitig nito sa kanya. Alam niyang pinamumulahan na siya ng mukha. “Mag-Magbibihis lang ako,” tumayo na siya. Hindi niya magawang tagalan ang mga titig nito ngayon. Lumapit siya sa closet at kumuha ng damit pantulog bago pumasok sa banyo.
Nanatili siya sa ilalim ng shower ng ilang minuto, pilit pinapakalma ang sarili. Bakit niya ba kasi hinalikan si Matthew? Hinawakan niya ang mga labi, muli na namang bumilis ang tibok ng puso niya pagka-alala sa nangyari kanina. Ipinikit niya ang mga mata at ngumiti. His lips tasted so good. Marahas siyang napailing at binuksan ang mga mata. Ano ba itong iniisip ko? Nababaliw na yata ako.
Ilang minuto pa siyang nanatili doon hanggang sa masiguro niyang kalmado na siya bago lumabas. Pagkalabas niya ng banyo ay ito naman ang sumunod sa kanya. Umupo siya sa kama at inabot ang teddy bear habang pinapatuyo ang buhok. Pinaupo niya sa kama ang malaking laruan. “Tatawagin na kitang ‘Matt’ simula ngayon,” wika niya dito. Pagkatuyo ng buhok ay hinawakan niya ang dalawang kamay nito. “Why did he kiss me like that, hmm?” she smiled and savored the memories of their kiss one more time. Nagitla pa siya nang marinig ang pagbukas ng pinto ng banyo.
Napatingin siya dito.
“Gusto mo bang kumain?” tanong nito.
Tumikhim muna siya bago sumagot. “Hindi na, tutulog na ako. Ikaw ba?”
“May babasahin pa akong chart notes ng mga pasyente. Matulog ka na,” sagot nito.
Nakaramdam siya ng lungkot dahil hindi ito sasabay na matulog sa kanya, pero ngumiti pa rin siya at bumaba sa kama para lapitan ito. “Huwag kang magpapaka-puyat, ha?” she whispered and tiptoed to give his lips a goodnight kiss. Hindi niya alam kung bakit niya ginawa iyon, basta sinunod niya lang ang sinasabi ng puso niya. Pagkatapos ay mabilis siyang bumalik sa kama at niyakap ang teddy bear. Ipinikit niya ang mga mata.
Ilang minuto lang ay naramdaman niya itong sumampa sa kama at niyakap siya mula sa likod.
Muli siyang nagmulat. “Akala ko may babasahin ka pa?”
“Pagod na ako, bukas ko na lang gagawin,” sagot nito at marahang dinampian ng mga labi ang buhok niya.
Tinanggal niya ang pagkakayakap sa teddy bear at umikot paharap dito. Ito naman ang niyakap niya ng mahigpit. Isinubsob niya ang mukha sa dibdib nito. “Goodnight, Matt,” bulong niya.
“Goodnight,” sagot nito.
“I’m talking to the teddy bear,” ani pa niya.
Napatawa ito sa sinabi niya.
Tumingala siya at sinalubong ang tingin nito. Malawak pa rin ang pagkakangiti nito. “Goodnight, Matthew,” bulong niya para dito.
“Goodnight, sweetie,” ganting bulong nito. Unti-unting bumaba ang mukha nito sa kanya.
Her eyes automatically closed and she felt his light kiss on her left shut-eye once more. No, not again. She was about to open her eyes when his lips moved down to her lips and gave her a gentle quick kiss. Napangiti siya at isinubsob ang mukha sa leeg nito, at hinayaan ang sariling makatulog.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 3: Matthew AzcarragaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon