Chapter 18.5

3.3K 58 1
                                    


ISANG linggo ng hindi ma-kontak ni Liezl si Matthew. Alalang-alala na siya para dito. Pinuntahan niya ito sa unit nito pero walang sumasagot doon, pinuntahan niya rin ito sa ospital nito pero sabi ng mga nurses na nandoon ay hindi pa daw ulit ito pumapasok.

Muli niyang idi-nial ang numero nito, nangangatal pa ang mga kamay niya. It was still unattended. Pagang-paga na ang mga mata niya sa kaiiyak. Ini-iling niya ang ulo. Hindi nito magagawang iwanan siya.

"Anak," napatingin siya sa Mama niya na tumabi sa pagkakaupo niya sa sofa. "Umiiyak ka na naman. Ano bang nangyayari sa'yo? Halos magkulong ka na sa kuwarto mo nitong mga nakaraang araw dahil sa kaiiyak."

"Mama, hindi pa tumatawag si Matthew," pumiyok pa siya. "Nasaan na kaya siya?"

Hinagod nito ang likod niya. "Baka naman may inaasikaso lang sa ibang lugar. Tatawag din iyon."

Umiling siya. Imposibleng hindi nito sabihin sa kanya kung sakali ngang may inaasikaso ito sa ibang lugar. Napatingin siya sa may pinto nang magkasabay na pumasok doon ang Papa niya at si Justin.

"Liezl, bakit ka umiiyak, anak?" nag-aalalang tanong ng Papa niya at lumapit sa kanila.

Hindi niya ito sinagot at agad na lumapit kay Justin. "Tumawag na ba sa'yo si Matthew? Napahanap mo na ba siya?" sunod-sunod niyang tanong dito. Tinawagan niya ito kanina para ipahanap kung nasaan si Matthew.

Umiling ito. "Hindi pa rin namin siya ma-kontak nina Christopher," may ipinakita itong susi sa kanya. "Nakausap ko ang guard sa condominium na tinutuluyan niya. Nakita niya daw ito sa tapat ng kotse ni Matthew noong gabing sinabi mong hindi mo na siya na-contact."

Natutop niya ang bibig sa sinabi nito. Binalot ng matinding takot ang puso niya sa kaisipang baka napahamak na ito. "Baka kung ano ng nangyari sa kanya," napahagulhol na siya sa harap nito. "No... no, hindi siya puwedeng mawala. Justin, please, hanapin niyo siya." Sobra-sobra na ang paghihirap ng puso niya sa nangyayari, iba't ibang bagay na ang pumapasok sa isipan niya na posibleng nangyari dito.

Hanggang sa maramdaman niya ang pagkahilo at panghihina ng katawan. She felt numbness all over her and then she lost consciousness. Ang huling naramdaman niya ay ang pagsalo sa kanya ni Justin at pagtawag nito sa pangalan niya.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 3: Matthew AzcarragaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon