NAGISING si Liezl dahil sa magkakasunod na katok sa pinto ng kuwarto niya. Pabalikwas siyang bumangon sa kama at tinatamad pang lumakad papunta sa pinto. Napagbuksan niya doon ang kapatid na si Jamaica.
"What is it now, Jam?" naiinis niyang tanong dito. "It's Saturday, agang-aga nambubulabog ka," napahikab pa siya. Jamaica crossed her arms. "Well," pagsisimula nito. "May phone call ka sa baba. Si Kuya Matthew." Biglang nawala ang antok niya dahil sa sinabi nito. "Talaga?" Ilang hakbang pa lang siyang nakakalayo dito nang bigla itong tumawa. Nilingon niya ulit ito. "Just kidding," wika nito. "It's your lovey-dovey, si Kuya Justin." Tiningnan niya ito ng masama pero hindi na pinatulan, mabilis siyang bumaba at lumapit sa telepono. "Babe?" sagot niya sa nasa kabilang linya. "Liz, sweetheart," tugon ni Justin. "I called because I want to tell you na may flight ako papuntang Canada ngayong umaga. Hindi na ako makakadaan diyan, may importante kasi akong aasikasuhin sa brokerage firm ko doon. I'm sorry, babe." Malungkot siyang napabuntong-hininga. "Hanggang kailan ka doon?" "I don't know, babe. Kabubukas lang kasi noon ngayong buwan kaya kailangan talaga ako doon," sagot nito. "Tatawagan kita kapag nakarating na ako doon. Huwag kang mag-alala, pasasalubungan kita ng maraming sweets pagbalik ko." Napangiti siya. "Okay, make sure not to date anyone there, hmm?" "Okay, I need to go now. Take care," pagpapaalam nito. "Oo, ikaw din. I love you." "Same here. I'll call you soon," then he ended the call. She sighed. Mami-miss niya ito, paubos na ng paubos ang mga nakakausap niya ng matagalan. Nanlulumo siyang bumalik sa sariling kuwarto at muling bumalik sa pagtulog.
BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 3: Matthew Azcarraga
RomanceLiezl was very much contented with her life - having a stable job, a happy family and a perfect love life with her long time boyfriend na si Justin Aguirre. Idagdag pa ang best friend na laging nasa tabi niya para sumuporta, si Matthew Azcarraga, a...