Chapter 17.1

3.6K 70 9
                                    


ALAS-DOS na ng madaling-araw nang muling bumaba ng kuwarto niya si Liezl kasama si Matthew. Sinabi nitong kailangan na daw nitong umuwi dahil baka magtaka na ang mga magulang niya kapag inabutan pa ito ng pagsikat ng araw. Halos limang oras din silang nasa loob ng kuwarto niya. Nanood din naman sila ng pelikula, hindi niya lang naintindihan dahil iba naman ang pinagkaka-abalahan nila ni Matthew.

Inihatid niya ito hanggang sa tapat ng pinto ng bahay nila. Magkahawak pa rin ang mga kamay nila, sandali niya itong pinigilan sa paglalakad.

"Stop having fun with other women in your society anymore, huh?" paalala niya dito.

"Opo," sagot nito. "Hindi na ako pupunta doon kung wala akong business na aasikasuhin," ngumiti ito. "Unti-unti ng nauubos ang mga 'breakers' na madalas pumunta doon noon, ah," napailing pa ito.

Napangiti siya. "Malay mo, si Christopher hindi na rin pumunta doon balang-araw."

"Imposible, siya ang nagpapatakbo noon," napaisip pa rin ito. "Pero, malay mo nga, baka isang araw tamaan na rin ni kupido ang puso noon."

Tumango siya at humakbang palapit dito. Niyakap niya ulit ito ng mahigpit at tumingala dito. "I'll miss you," bulong niya.

Ngumiti ito. "Ako din," yumuko ito para halikan siya sa mga labi. They kissed there for a while before he hesitantly withdrew. "We need to stop, sweetie," anas nito. "Habang may natitira pa akong kontrol sa sarili."

Tumawa siya at pinakawalan ito. Kumaway pa siya nang makalabas ito ng pinto. Hindi pa rin matanggal ang ngiti niya habang naglalakad pabalik sa hagdan.

"What is that all about?"

Gulat siyang napalingon kay Jamaica at nakita itong nakasandal sa hamba ng bukana ng dining area. May hawak pa itong baso ng tubig.

"J-Jamaica..." nauutal na wika niya.

Lumakad ito palapit sa kanya. "Kissing... friends?" tanong nito.

Mabilis niyang iniiwas ang tingin dito. Ngayon lang siya nawalan ng maibabatong salita sa kapatid.

Inilapit pa nitong lalo ang mukha sa kanya at pinaka-titigan siya. "Oh my, your lips are swollen. And..." napasinghap ito at itinuro ang leeg at balikat niya. "B-Bite marks, right?" hindi makapaniwalang dugtong nito. "Anong ginawa niyong dalawa sa loob ng kuwarto mo? Hindi kayo nanood ng pelikula, ano?"

Napatingin siya dito. "Jamaica, stop..."

Napailing ito. "Sasabihin ko ito kina Papa," pananakot nito.

"No!" pigil niya. "Jamaica, please..." Bakit ba kasi gising pa ito ng ganitong oras?

"Okay, I won't," pagpayag nito at puno ng malisyang tumingin sa kanya. "Pero kailangan mong sabihin kung ano ang ginawa niyo ni Kuya Matthew. Iyon nga ba 'yong nasa isip ko?"

Yumuko siya. "Ano bang nasa isip mo?"

"Ano pa ba? Imposible namang nagtaguan lang kayo sa loob 'di ba? With all those love marks on your body. Gusto mo bang ipag-sigawan ko pa dito?"

Napabuntong-hininga siya. Alright, natalo siya nito ngayon. Marahan siyang tumango.

"Oh my!" kinikilig pa itong ngumiti. "Sabi ko na nga ba, may gusto talaga sa'yo si Kuya Matthew."

Napatingin siya dito. Alam din ba nito ang nararamdaman sa kanya ni Matthew?

"Matagal ko ng napapansin sa kanya iyon," pagpapatuloy nito. "Well, paano naman si Kuya Justin?"

Muli siyang napabuntong-hininga. "Makikipag-hiwalay ako sa kanya pagbalik niya dito."

"I see," tumango-tango pa ito. "Mas boto naman talaga ako kay Kuya Matt. Mas madali kasi siyang kausapin at lapitan."

"Matulog ka na," utos niya dito. "May pasok ka pa mamaya."

Nasa hagdan na siya nang muli itong magsalita.

"So, puwede ko na bang hiramin ang kotse mo ngayon, sis?" tanong nito.

Napalingon siya dito. Ngumisi pa ito. Naiinis siyang napapikit. "Pagkatapos ng klase mo," pagsuko niya bago muling ipinagpatuloy ang pag-akyat. Dapat hindi niya na lang muna pinaalis si Matthew! Nahuli pa tuloy sila ng bruha niyang kapatid.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 3: Matthew AzcarragaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon