HINDI magawang intindihin ni Matthew ang sinasabi ng kausap niyang si Raffy Choi dahil kanina pa nakasunod ang tingin niya kay Liezl. Nasa loob sila ng mansiyon ng mga Fabella kung saan doon idinaos ang reception ng kasal nina Jeremy at Keira Fabella.
Liezl looked so stunning in that pink dress she was wearing. She really knew her fashion. She looked so pure and feminine. Nakalugay ang mahaba at tuwid na tuwid na itim na buhok nito. Her skin was flawless and he couldn’t help but admire her body’s beautiful curves.
Hindi pa siya nilalapitan nito simula ng dumating siya kaninang umaga dito sa Cebu. Alam niyang nagtatampo pa rin ito sa kanya.
Nakita niya nang lumapit dito ang boyfriend nitong si Justin at niyaya ito papunta kay Vincent Fabella. Nakahawak lang ito sa baywang ng nobyo habang nakikipag-usap ito kay Vince.
Maya-maya lang ang lumayo na si Vince sa mga ito at naiwan ang mga itong nag-uusap. He saw her smile at Justin and lightly kissed his lips. Parang napasong iniiwas niya ang mga mata sa mga ito. His heart was aching so much at that moment. Nasalubong niya ang nagtatakang mga mata ni Raffy.
“Hey, may problema ka ba?” tanong nito.
Iniiwas niya ang tingin dito. “W-Wala. Ano nga ba ‘yong sinasabi mo?”
Napailing ito. “Kanina pa ako salita ng salita dito, hindi ka naman pala nakikinig.”
“I’m sorry, pare. Masyado lang akong maraming iniisip.”
“I see,” tumango-tango pa ito. “As I was saying, gusto ko sanang gamitin ang ospital mo sa California para sa filming ng bagong dramang iri-release ng network ko sa South Korea. It’s going to be a medical drama. Will that be okay?”
Raffy was a half-Korean, he runs a talent-agency that manages Korean, Filipino, Chinese and Japanese artists. Korean citizen ito dahil doon nakabase ang pinaka-negosyo nito.
“Sure, no problem,” sagot niya. “Basta hindi lang magagambala ang mga pasyente ko doon, that’ll be fine.”
Raffy smiled. “Oo naman, pagsasabihan ko ang production staffs na ipapadala ko doon. So, are you really going to settle here in the Philippines? Wala ka ng balak bumalik sa States?”
“Oo, siguro. I want to serve our country,” he chuckled. “Marami namang magagaling na doktor sa States. Saka, I prefer the life in here.”
Tumango ito. “May pinopormahan ka na ba ulit dito? Ang huling balita kong idine-date mo noon sa States ay si Claire.” Si Claire Austin ay ang last girlfriend niya na iniwan sa States. Naghiwalay sila halos isang taon na ang nakalipas, bago siya bumalik sa bansa. She was a supermodel, an heiress of the Austin Empire and a brat. Halos dalawang taon din silang magka-relasyon, kahit na hindi naman talaga siya seryoso dito.
“Wala pa akong balak pumasok ulit sa relasyon, dude. Alam mo naman ang dami ng trabaho ko dito sa atin,” sagot niya.
Ilang sandali lang ay tumunog ang cell phone niya, tawag iyon galing sa isa sa mga ka-trabaho niya sa ospital. Sinabi nitong kailangan niya ng bumalik sa ospital dahil may kailangan silang i-perform na isang operasyon. Pagkatapos ng tawag ay nagpaalam na siya kay Raffy at lumapit kay Jeremy para magpaalam na din.
Nakalabas na siya ng mansiyon nang marinig niyang may tumawag sa pangalan niya. Alam niya kung sino iyon. Lumingon siya at nakita si Liezl na tumatakbo palapit sa kanya.
“Saan ka pupunta?” tanong nito nang makalapit.
“Sa ospital sa Makati, kailangan daw ako doon,” sagot niya.
“Kailangan mo ba talagang bumalik agad doon? Nandito tayo sa Cebu.”
“I’m a doctor, Liz. Even if I need to go an extra mile for my patient, I will do it,” he said. “Go back inside, I need to go,” malamig na dugtong niya.
Napalabi ito. Nakikita niya ang kalungkutan sa mga mata nito. “Bakit ka ba ganyan sa akin? Hindi na ba talaga ako mahalaga sa’yo?”
Hindi niya makayang makita na nalulungkot ito. Pinilit niyang ngumiti. “Binibiro lang naman kita kagabi. Ikaw itong nag-walk-out sa akin.”
Bahagya namang lumiwanag ang mukha nito nang makita ang pag-ngiti niya. “Alam mo namang hindi ako sanay na nagbibiro ka ng ganoon, eh,” lumakad ito palapit sa kanya at niyakap siya. Tumingala ito para tingnan siya. He was now staring at her beautiful face. “Bumisita ka na sa bahay, hmm? Ipagluluto kita,” paglalambing pa nito.
He pushed her away from his body gently. Baka kung ano pa ang magawa niya sa pagkakalapit nilang iyon. “Okay,” maikling sagot niya.
Lumawak ang pagkaka-ngiti nito. “Talaga? Aasahan ko ‘yan, ha? Sasabihin ko rin kina Papa at Mama, siguradong matutuwa sila.”
Tumango siya. “I’ll call you. See you in Manila, kailangan ko na talagang bumalik sa ospital,” pagkasabi noon ay tumalikod na siya at lumapit sa kinapaparadahan ng kanyang sasakyan. Pagkapasok niya sa loob ay sinulyapan niya ulit ito, kumakaway pa ito sa kanya.
He started the engine and drove out of Hacienda Fabella. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa manibela. Bakit ba hindi niya magawang tanggihan ang mga hiling nito? He was such a big fool.Author’s Note: Ang story nina Matthew and Liezl ay available pa rin sa mga Precious Pages Bookstores & National Bookstores nationwide. Puwede rin kayong bumili through Precious Shop (for physical book) and Precious Pages Ebookstore (for ebooks). Ito ang links:
http://www.preciousshop.com.ph/home
http://www.preciouspagesebookstore.com.phSalamat. Sana po ay inyo ring masuportahan ang paperback ng The Breakers Series.
BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 3: Matthew Azcarraga
RomansaLiezl was very much contented with her life - having a stable job, a happy family and a perfect love life with her long time boyfriend na si Justin Aguirre. Idagdag pa ang best friend na laging nasa tabi niya para sumuporta, si Matthew Azcarraga, a...