Chapter 14.3

3.5K 60 0
                                    


NASA tapat na ng kotse niya si Liezl, kalalabas niya lang ng MicroGet. Pasado alas-otso na ng gabi pero ayaw niya pang umuwi. Dalawang araw na nang makaalis si Justin para tumungo sa Canada. Naisip niyang subukan uling dalawin si Matthew, baka naman kausapin na siya nito. Subalit hindi niya alam kung nasaan ito ngayon, kaya tinawagan niya si Christopher pagkapasok sa kotse. Ilang ring bago nito iyon sinagot.

"Liz, bakit?" bungad nito sa kabilang linya.

"Chris, nasaan ka ngayon?"

"Sa Society Hotel, may kailangan ka ba?"

"Wala naman, itatanong ko lang sana kung nakita mo diyan si Matthew," sagot niya.

"Hindi siya nagpupunta dito. Nandiyan ka pa ba sa MicroGet?"

"Paalis na ako. Sige, iyon lang naman ang kailangan ko. Salamat," aniya at tinapos na ang tawag. Pinaandar niya ang sasakyan at tumuloy sa condominium place ni Matthew, magbabaka-sakali siya kung nandoon ito. Nandito na rin naman siya sa Ortigas.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 3: Matthew AzcarragaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon