Chapter 8.1

3.5K 66 0
                                    

HUMAKBANG papasok si Liezl sa unit ni Matthew, mabilis niyang iginala ang paningin sa kabuuan niyon. Pagkasara nito ng pinto ay ipinatong nito ang mga gamit niya sa ibabaw ng kama.
“Naaalala mo ba ang lugar na ito?” tanong nito.
Tumango siya at lumapit sa mga gamit na nasa kama.
“May bakanteng space sa closet na nandiyan malapit sa mga damit ko,” anito. “Doon mo na muna ilagay ang mga gamit mo.”
Sinunod niya lang ito. Habang nag-aayos ng mga gamit ay naghahanap naman ito ng makakain sa refrigerator.
“Malapit ba dito ang pinagta-trabahuhan ko?” naisipan niyang itanong dito.
Napatingin ito sa kanya. “Naaalala mo?”
Napaisip siya. “Ang naaalala ko lang ay umuulan noon, kalalabas ko lang ng isang malaking building at tumatakbo ako papunta dito,” napakamot siya sa ulo. “I really can’t remember it clearly.”
Lumapit ito sa kanya at umupo sa tabi niya. “Don’t push yourself, maaalala mo rin lahat,” tumitig ito sa kanya.
Agad naman siyang ngumiti. “Bakit kaya ikaw lang ang naaalala ko?” Maging siya ay nagtataka rin sa bagay na iyon.
Ipinilig nito ang ulo. “Hindi ko alam. Bakit nga kaya?”
“Baka dahil ikaw lang ang nasa tabi ko pagkatapos ng aksidente,” hula niya.
“Baka,” tumango-tango ito. “O baka dahil nag-away tayo bago ang aksidente mo.”
Nanlaki ang mga mata niya. “Nag-away tayo?” Hindi niya magawang paniwalaan ang bagay na iyon.
Nabahiran ng lungkot ang mga mata nito. “Yeah, iyon siguro ang dahilan kung bakit ka na-aksidente,” napayuko ito. “I shouldn’t have said those words to you.”
Umisod siya palapit dito at ikinulong sa mga palad niya ang guwapong mukha nito. “It’s not your fault,” bulong niya. Hindi niya gustong makita itong sinisisi ang sarili dahil sa nangyari sa kanya. Kung ano man ang nangyari, siguradong may parte rin siya doon.
Sinalubong nito ang tingin niya. There was something in those pair of dark brown eyes that made her heart pound feverishly in her chest. Ito ang unang pumutol ng pagtititigan nila. “Ano ang gagawin mo dito sa buong araw?” tanong nito.
Ibinaba niya ang mga kamay na nakahawak dito at muling pinag-tuunan ng pansin ang pag-aayos ng gamit niya. “Manonood siguro ng movies, magluluto, magbabasa at kapag gusto kong bumisita sa ospital mo, pupunta ako.”
“Paano ka makakapunta doon?”
Ilang sandali niya iyong pinag-isipan. “Wala naman akong sasakyan kaya magta-taxi na lang ako.”
Kumunot ang noo nito. “Kung may sasakyan ka, do you still know how to drive?”
Tiningnan niya ito. “Oo naman, hindi ko rin naman iyon nakalimutan, ano?”
Tumango lang ito at muling tumayo para bumalik sa paghahanap ng pagkain sa fridge. “Be careful, okay?”

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 3: Matthew AzcarragaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon