ILANG minuto nang nakaupo si Liezl sa kama ni Matthew at nakaharap sa television. Nakasuot siya ng women's walking shorts at ang pang-itaas ay damit ni Matthew. Maya-maya lang ay pumasok na sa loob si Matthew na may dalang isang box ng pizza at chocolate ice cream. "Wow," mabilis niya itong sinalubong at tinulungan sa dala. Ipinatong niya iyon sa mesang malapit sa kama. "Mukhang nagkasya sa'yo ang shorts, ha?" puna nito. Tiningnan niya ito ng masama habang binubuksan ang ice cream. "Kanino ba 'to?" He grinned. "Hindi ba sabi ko, naiwan ng mga babae ko dito." "Bakit walang pang-itaas?" Nagkibit-balikat lang ito. "Iyan lang naman ang kailangan kong tanggalin sa kanila." Naramdaman niya ang pamumula ng mukha niya sa sinabi nito. Hinampas niya ang dibdib nito at pabagsak na umupo sa kama bago sumubo ng isang kutsarang ice cream. He opened the box of pizza and took one slice before sitting next to her. Inilapit nito ang bibig sa tainga niya at bumulong. "Are you wearing any underwear?" tudyo pa nito. Naiinis niya itong itinulak palayo. "You're such a—" tinalikuran niya na ito at sinarili ang ice cream. "Of course, hindi naman masyadong nabasa ang sa akin, ano?" Umayos ito ng upo. "I'm just asking," anito habang ngumunguya. "Huwag mong sarilinin ang ice cream." "Ayoko nga," sagot niya nang hindi humaharap dito. "Bahala ka," sagot nito. Pinagpagan nito ang kamay bago humiga sa kama. "Ubusin mo lahat 'yan, ha?" Naiinis niyang ibinalik ang ice cream sa mesa. She already lost her appetite. Tumayo siya para kumuha ng tubig sa fridge at uminom. Pagkatapos ay lumapit siya sa TV para i-off iyon at muling sumampa sa kama at humiga malapit dito. "Nandito sa bansa si Michael, ah," sabi niya dito. Nakapikit na ito pero alam niyang hindi pa ito natutulog. "Really?" "Oo, kausap ko siya kanina sa MicroGet, magbabakasyon daw siya dito for two weeks," bahagya siyang lumapit dito. Iniyakap niya ang kamay sa katawan nito at ipinaunan ang ulo sa dibdib nito. He sighed and wrapped his arms around her shoulders. She smiled, she missed sleeping beside him. Ito ang nag-iisang lalaki na komportable siyang makatabi sa pagtulog. Malinaw niyang naririnig ang pagtibok ng puso nito. "Nagpupunta pa ba sa society ninyo si Justin?" naisipan niyang itanong dito. Alam niya ang tungkol sa 'society' ng mga ito – The Breakers Corazon Sociedad – dahil nabanggit na nito iyon sa kanya, maging ni Justin. Saka ang boss niyang si Christopher ang nagtatag niyon. Ilang sandali itong hindi sumagot. "Oo, pero para sa business na lang. Alam mo namang loyal siya sa'yo." "I know," bulong niya. "Ikaw, nagpupunta ka pa rin doon?" "Oo naman." Tumingala siya at nakita itong nakangiti. "Hindi lang siguro business ang ipinupunta mo doon, right?" Tumingin lang ito sa kanya pero hindi sumagot. "Ilan na kaya ang babae mong dinadala sa suite mo doon?" she wondered. He chuckled. "I don't remember." Humugot siya ng malalim na hininga. "I see, gumagaya ka na rin sa pinsan at mga kabarkada mo." "Wala namang masama doon, ang mga babaeng iyon naman ang lumalapit sa amin," rason nito. "Yeah," she replied without interest. "Ganyan naman talaga ang rason ng mga lalaki." Bumuntong-hininga na lang din ito.Ilang minuto ring katahimikan ang dumaan. Hinigpitan niya ang pagkakayakap dito. "What do you think, Matt? Kailan kaya mag-po-propose sa akin si Justin?" naisipan niyang itanong dito. Matagal niya na ring iniisip ang tungkol sa bagay na iyon. Naramdaman niyang bahagya itong natigilan sa tanong niya. Nang muli siyang tumingin dito ay nakita niyang nakapikit na ito. "Matutulog ka na ba?" tanong niya dito. Hindi na ito sumagot kaya pumikit na lang din siya at pinilit ang sariling makatulog. Hindi man lang siya nito sinagot, bakit ba paiba-iba ang mood nito?
BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 3: Matthew Azcarraga
RomanceLiezl was very much contented with her life - having a stable job, a happy family and a perfect love life with her long time boyfriend na si Justin Aguirre. Idagdag pa ang best friend na laging nasa tabi niya para sumuporta, si Matthew Azcarraga, a...