Chapter 15.3

3.6K 70 0
                                    


HALOS hindi na magawang maihakbang ni Liezl ang mga paa niya sa hagdan ng bahay nila dahil sa pagod. Alas-diyes na ng gabi siyang natapos sa mga reports na pinapa-file ni Christopher. Hapung-hapo pa siya sa kasusunod dito ng hapong iyon habang inilibot nito ang mga dumating na investors sa kumpanya.

Napatigil siya sa pag-akyat nang humarang sa daraanan niya ang kapatid na si Jamaica. Nakangisi pa ito.

"Magaling naman at ginabi ka ngayon ng pag-uwi," sabi nito.

"Ano?" Ano na naman bang kailangan nito? Inaantok na siya.

"Kasi nagkaroon na ako ng chance manood ng movie with Kuya Matthew."

Parang nagising ang buong diwa niya sa sinabi nito. "Anong sinabi mo?"

"Galing dito si Kuya Matthew kanina, matagal siyang naghintay sa'yo. At dahil wala ka, ako na ang—"

Hindi niya na ito pinatapos sa pagsasalita dahil mabilis na siyang tumakbo sa loob ng kuwarto niya at kinuha ang cell phone sa loob ng shoulder bag. Mabilis niyang idi-nial ang numero ni Matthew. Maya-maya lang ay nasa kabilang linya na ito.

"Bakit hindi mo ako hinintay?!" galit na bungad niya dito.

Narinig niya itong tumawa. "Akala ko kasi mag-o-over time ka. I'm sorry, sweetie."

Nanlulumo siyang napaupo sa kama. "Kailan ka uli dadalaw dito?" Miss na miss niya na talaga ito. Narinig niya ang pagbuntong-hininga nito.

"Kapag ayos na ang schedule ko sa ospital," sagot nito. "Don't worry, I'll make it sooner. I miss you so much."

"Ako din," tugon niya. "Gusto mo bang pumunta ako diyan?"

"Huwag na, gabi na. Baka mapaano ka pa," sagot nito. "I love you so much, Liz."

Napangiti siya. "I love you too. I miss you terribly."

"I'll see you soon, sweetie," sabi nito bago magpaalam.

Pagkapatong niya ng cell phone sa bedside table ay nakarinig siya ng pagbuntong-hininga mula sa likod. Nagulat siya nang malingunan doon si Jamaica na iiling-iling.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong niya. Narinig ba nito ang pag-uusap nila ni Matthew?

"Talagang mahal na mahal mo iyang boyfriend mo, ano? I love you too. I miss you terribly," ulit nito sa huling sinabi niya. "Huwag kang mag-alala, babalik din naman agad iyon," lumakad ito palapit sa cabinet ng mga CD's niya. "Kukuha lang ako ng ibang films, para may mapanood kaming iba ni Kuya Matthew pagbalik niya."

"Hindi na mauulit ang panonood niyo ng movie ni Matthew," sabi niya dito.

"At bakit hindi?" tumayo ito dala ang mga kumpol ng CD's. "Pahiram muna, ha?" iyon lang at tumakbo na ito palabas ng kuwarto niya.

Naiinis siyang napabungtong-hininga. Bakit niya pa kasi ipinakilala sa kapatid si Matthew? Mukhang patay na patay din ito dito. Naiinis siyang nahiga sa kama at inabot ang teddy bear niyang si Matt. Niyakap niya ito ng mahigpit.

"Can you switch places with Matthew for a while?" tanong niya sa laruan. Kailan kaya sasagot itong laruan niya?

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 3: Matthew AzcarragaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon