NAPATAYO si Justin sa kinauupuan nang lumabas mula sa isang kuwarto ang mga magulang ni Liezl at ang doktor na tumingin dito. Nakita niyang tumayo rin sina Christopher, Alyzza, Thaddeus at Elij na kanina pang dumating doon nang tawagan niya.
Napatingin siya sa kapatid ni Liezl na si Jerome nang sumunod itong lumabas ng kuwarto at sinugod siya. Kinuwelyuhan siya nito. Nagtataka siyang napatingin dito.
"Jerome," narinig niyang saway dito ng Papa nito.
"Pabayaan mo ako, Papa," galit na wika nito. "Huwag na huwag mong iisiping talikuran ang responsibilidad mo sa kapatid ko, Justin!" pagpapatuloy nito.
Naguguluhan siya sa sinabi nito. "What?"
Ngumisi pa ito. "Come on, alam kong alam mo ang ibig kong sabihin. My sister is pregnant! Panagutan mo siya!"
Gulat siyang napatingin dito, pagkatapos ay napatingin din siya sa mga nandoon na nasa mukha din ang pagkagulat.
Nalipat ang tingin niya sa Papa nito na lumapit sa kanila at marahang hinila si Jerome palayo. Pinakawalan naman siya nito.
"Jerome, alam ni Justin ang dapat niyang gawin. Hayaan na lang natin silang mag-usap ng kapatid mo," wika nito.
Inayos niya ang nagusot na damit. "Pasensiya na po, pero hindi ko magagawa 'yon," wika niya.
Napatingin ang mga ito sa kanya. Hindi makapaniwala sa sinabi niya.
"What did you say?!" galit na tanong ni Jerome.
Tumingin siya dito at sa Papa nito. "I'm not the father of that child," sagot niya. Nagulat ang mga ito sa sinabi niya. At alam niya kung sino iyon.
![](https://img.wattpad.com/cover/160129426-288-k494555.jpg)
BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 3: Matthew Azcarraga
RomanceLiezl was very much contented with her life - having a stable job, a happy family and a perfect love life with her long time boyfriend na si Justin Aguirre. Idagdag pa ang best friend na laging nasa tabi niya para sumuporta, si Matthew Azcarraga, a...