Chapter 13.4

3.3K 65 0
                                    

NAGULAT si Liezl nang makita si Matthew na lumapit sa harap ng desk niya.

"Gusto kong makausap si Christopher," anito sa seryosong tono. "Nasa loob ba siya ng opisina niya?"

"M-May appointment ka ba sa kanya?" nauutal na tanong niya.

"Wala, may gusto lang akong sabihin tungkol sa shares ko dito," sagot nito.

Tumango siya. "Sasabihin ko sa kanya na gusto mo siyang makausap," aktong tatayo na siya sa kinauupuan nang may lumapit na isang babae sa harap ng desk niya. Nasa magandang mukha nito ang pagkainis.

"Nandiyan ba si Christopher?" tanong nito.

"May appointment ka ba sa kanya?" tanong niya rin dito. Sino naman kaya ito?

"Hindi ko kailangan ng appointment para makita siya," mataray na sagot nito. "Itanong mo sa kanya kung bakit hindi niya sinasagot ang mga tawag ko," utos pa nito. Napatingin ito sa katabing si Matthew at agad namang umamo ang mukha nito. "Hi!" bati nito dito, bahagya pang namungay ang mga mata. "Nagta-trabaho ka rin dito?"

Nginitian naman ito ni Matthew. "No, I'm a doctor."

"Oh, I love doctors," she giggled.

Mukha namang nag-e-enjoy si Matthew sa bagong kakilala kaya iniwanan niya na ang mga ito. Pagpasok niya sa opisina ni Christopher ay napalakas pa ang pagkakasara niya sa pinto.

Nagtataka itong napatingin sa kanya. "What's the matter?"

Naiinis siyang umupo sa couch na naroon at doon na lang itinuloy ang pagbabasa ng report na hawak. "May naghahanap sa'yo sa labas," sagot niya. "Matthew and one of your women," sarkastikong dugtong niya.

Kumunot ang noo nito at tumayo sa kinauupuan para bahagyang sumilip sa pinto, pagkatapos ay umupo sa settee na nasa tapat niya. "It's Camille, mukhang na-stuck na siya kay Matthew," sabi nito. "It's better that way, I'm tired of saying I don't like them anymore."

Hindi siya makapaniwalang napatingin dito. Mabilis niyang dinampot ang throw pillow na katabi at ibinato dito.

"Whoa," anito pagkatapos masambot ang unan.

"Kaya hinahayaan mo na lang siyang landiin si Matthew?" naiinis niyang sumbat dito. "Alam ba ito ni Stacey? Isusumbong kita sa kanya," pagbabanta niya.

Iniiwas nito ang tingin sa kanya at muling tumayo para bumalik sa office table nito at inabala ang sarili sa trabaho.

Pinag-taasan niya ito ng kilay. May nasabi ba siyang mali?

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 3: Matthew AzcarragaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon