Chapter 6.2

3.6K 77 0
                                    

TINITIGAN ni Matthew si Liezl na natutulog sa ibabaw ng kama sa loob ng private room nito sa ospital niya. Hindi niya magawang matanggap ang ganitong ayos nito, he wanted to see her smiling at him with her happy eyes. Lumapit siya sa gilid ng kama nito. May benda ang ulo nito, may mga sugat sa magandang mukha nito at sa buong katawan. Naka-cast din ang kaliwang binti at braso nito. Hinawakan niya ang kanang kamay nito na may nakakabit na dextrose. "I'm sorry, Liz," he whispered. "Thank you... for staying. God, thank you so much for saving her. Thank you so much," he lightly kissed her hand and touched her face. "I love you. Please, wake up... I don't want to see you lying here." Napatingin siya sa may pinto nang bumukas iyon at pumasok ang nag-aalalang sina Christopher at ang girlfriend nitong si Stacey. "Matthew, I heard what happened," lumapit sa kanya si Christopher. "Liz," Stacey uttered. "Is she okay?" tanong ni Christopher. Tumango siya. "She needs to wake up one of these days. Doon lang ako makakampante." Napahawak ito sa ulo. "I can't believe this is happening. She was supposed to meet an investor, I should have done that." Hinawakan ni Stacey ang braso nito. Tiningnan niya lang ang mga ito. "Can you do me a favor, Christopher?" tanong niya dito. Tumingin din ito sa kanya. "Can you contact her family in New York, pati na rin si Justin sa Canada. Tell them what happened and that she needs them here." Tumango ito. "I hope she wakes up soon. Pai-imbestigahan ko rin ang nangyaring aksidente. I can feel that this is all because of me." "Christopher," wika ni Stacey. Hindi niya na ito sinagot. Ang mahalaga sa kanya ay mapaayos ang kalagayan ni Liezl ngayon. Muli niya itong tinitigan. Please wake up, Liz.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 3: Matthew AzcarragaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon