Chapter 6.1

3.8K 77 0
                                    

MABILIS na napatayo si Matthew nang lumabas sa operation room si Dr. Santos. Halos walong oras na siyang naghihintay sa paglabas nito. Tumango ito sa kanya. "She's okay now. Naayos na namin ang internal bleeding niya. Though, maraming tinamong fractures ang katawan niya, I can assure you that it will heal on time. Natanggal na rin namin ang bala sa kaliwang braso niya." "B-Bala?" "Sa tingin ko, nagkaroon muna ng shooting incident bago ang aksidente ng kotseng sinasakyan niya," pagpapatuloy nito. "She lost a lot of blood, it's a good thing na marami tayong stock ng blood type niya. Nilagyan namin ng cast ang left leg at left arm niya dahil iyon ang napuruhan sa aksidente. We're expecting her to wake up soon, para malaman kung ano pa ang epekto ng aksidente sa kanya." Hindi niya alam kung ano ang dapat sabihin o itanong. Nawala yatang lahat ang kaalaman niya sa medisina ng mga oras na iyon. "She's going to be fine, Matthew," she assured him. "Get back to your senses, kailangan ka niya. Do you want to be in charge of her?" Tumingin siya dito at tumango. "Thank you, Kate." Tumango lang ito at tinapik siya sa balikat bago lumakad palayo.


[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 3: Matthew AzcarragaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon