Chapter 5.3

3.6K 77 1
                                    

FEW weeks had passed, malungkot na ipinatong ni Liezl ang ulo sa headrest ng couch na inuupuan niya. Nasa loob siya ng opisina ni Christopher at katatapos niya lang magawan ng summary report ang proposal ng isang investor na ibinigay sa kanya ni Christopher. Halos nalagas na ang mga taong nagpapasaya sa kanya, si Alyzza na lang ang natitira niyang kausap nitong mga nakaraang linggo ng personal. She missed her family, mukhang nag-e-enjoy naman ang mga ito sa New York dahil masaya ang mga ito tuwing kausap niya sa telepono. She missed her boyfriend, mukha namang busy ito sa trabaho pero nakakatawag pa rin sa kanya thrice a week. But she missed her best friend the most, ang tagal na nitong hindi nagpapakita sa kanya, hindi man lang siya nagawang tawagan o dalawin kahit minsan. Naiinis na siya dito. Napatingin siya sa may pinto nang bumukas iyon at pumasok si Rafael Choi. Isa ito sa mga kaibigan ng nobyo niya at miyembro ng society ng mga ito. Mabilis siyang tumayo at sinalubong ito, ang alam niya ay may appointment ito kay Christopher. Agad niya itong kinumusta, sa pagkakaalam niya ay may malaking pagsubok na pinagdadaanan ang pamilya nito ngayon. Napatingin siya sa may pinto nang pumasok doon si Christopher. "Oh, nandito ka na pala, Rafael. Have a seat," bati nito sa bisita bago dumiretso sa office table nito. Lumapit siya doon at iniabot ang folder ng summary report na ginawa niya. "Ito 'yong proposal ng interested investor na imi-meet mo mamaya," wika niya nang makaupo ito. "I've checked it, ayos naman ang nilalaman." "Mamaya?" tanong nito habang pinipirmahan ang proposal na ibinigay niya. "Anong oras?" "Before lunch." Tumingin ito sa kanya. "I need to meet someone before lunch. Can you go there for me, Liz? Alam mo na naman ang dapat gawin. Is that okay?" Naisip niyang wala naman siyang gagawin kaya tumango na lang siya at inabot ang folders na pinirmahan nito. Then, she headed for the door. "Use the company's car, Liz," narinig niyang pahabol pa nito. Alam kasi nito na sira na naman ang sasakyan niya. Papalitan niya na talaga ang isang iyon. Pagkabalik niya sa kanyang desk ay tiningnan niya ang meeting place nila ng investor. It was in Makati, konting biyahe lang naman. Muli niyang pinag-aralan ang report para maayos ang magiging pag-uusap nila ng investor. Ilang minuto lang ay lumabas na ng opisina ni Christopher si Rafael. Sinarhan niya ang folder na hawak at muling lumapit dito. "Balitaan mo ako kapag natagpuan mo na ang asawa mo, ha?" she said to him, tinutukoy niya si Ashlee Fortich na sa pagkaka-alam niya ay ang babaeng minamahal nito. Na ang dahilan din ng kalungkutan ni Arrhea ngayon. Napangiti ito. "She's not my wife." "Ganoon na din 'yon, I heard she's pregnant," hinawakan niya ang braso nito. "I hope she's safe. You'll find him, Raf," aniya at ngumiti. "I know, kumusta na nga pala si Justin?" tanong nito. "Busy, as always. Nasa Canada siya ngayon," sagot niya. "But we're good," masayang dugtong niya. "Mabuti naman kung ganon. Ikumusta mo na rin ako kay Matthew." Nawala ang ngiti niya pagkarinig sa pangalan ng best friend. "Hindi ko na nga masyadong nakikita ang lalaking iyon. This past few days, kinalimutan niya na 'ata ako," sumbong niya dito. Napatawa ito at napailing. "Baka maraming ginagawa sa ospital. Try visiting him these days." Lumabi siya. "Ayoko nga," tanggi niya. "Siya ang bumisita sa akin," pagkasabi noon ay bumalik na siya sa sariling upuan. Ayaw niya na itong pag-usapan, ito naman ang ayaw mamansin, eh. Nang makaalis si Rafael ay muli niyang itinuon ang pansin sa proposal na pinag-aaralan. Ilang oras niyang iginugol ang sarili doon nang lumabas ng opisina nito si Christopher at lumapit sa kanya. "Liz, kailangan ko ng umalis," wika nito. "Nagpapasama kasi sa akin si Stacey sa Bulacan, nasa lobby na siya. Baka nandito na ako bago gumabi. Ikaw na ang bahala sa investor na kakausapin mo, ha? I trust you." Tumango na lang siya at tuluyan na itong umalis.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 3: Matthew AzcarragaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon