Chapter 1.3

5.1K 109 2
                                    

PUNO pa rin ng inis ang dibdib ni Liezl nang pumasok siya sa loob ng bahay nila sa Magallanes. Agad na tumayo at lumapit sa kanya si Justin nang makita siya. Bahagya namang nabawasan ang inis niya sa pagkakita dito. Hinalikan siya nito sa pisngi.  He looked very handsome on that black jacket and dark blue pants. Seryoso palagi ang mukha nito, para sa iba ay napakahirap nitong lapitan dahil halos hindi ito ngumingiti o di kaya ay nakikipag-biruan man lang. Siya nga lang ang nakakapag-tiyaga sa ugali nitong iyon.
He was very different compared to Matthew. Matthew had this kind look and endearing demeanor that made everyone want to be near him. Mabait naman kasi talaga ito at pasensiyoso, kaya nga hindi niya maintindihan kung bakit ganoon na lang ang pakikitungo nito sa kanya simula ng bumalik ito galing sa States. Siguro masyado na nitong na-adapt ang kultura ng ibang bansa.
“What’s wrong? May problema ba?” tanong ni Justin sa kanya. Naupo sila sa sofa na kinauupuan rin ng Papa niya.
“Lukot na lukot ang mukha ng prinsesa namin,” dugtong ng kanyang Papa Andres. “Ano bang nangyari?”
“Si Matthew kasi,” sumbong niya. “Hindi niya na ako pinagbibigyan ngayon. Ayaw niya na rin akong makausap,” tumingin siya kay Justin. “Ano bang nakain ng kaibigan mong iyon?”
Napatawa na lang ang Papa niya sa sinabi niya at napailing naman si Justin.
“Anak, kararating lang ni Matthew galing sa States. Halos mag-iisang taon pa lang siya dito, malamang na marami pa iyong trabahong dapat asikasuhin. Nag-a-adjust pa lang siya dito,” sabi ng Papa niya.
“Hindi ba gusto niyo rin naman siyang bumisita dito?” Close din sa pamilya niya si Matthew, noong high school pa kasi sila ay halos doon na din ito tumira sa bahay nila dahil mag-isa na lang naman ito sa buhay at nakikitira na lang sa Tito nito. Alam niya ang hirap na pinagdaanan nito bago nito maabot ang kinatatayuan nito ngayon. Alam din niya ang kuwento ng buhay nito. Ganoon sila kalapit.
“Oo nga,” putol ng Papa niya sa pag-iisip niya. “Gusto rin namin siyang dumalaw dito pero hindi naman namin siya pinipilit. We can wait until he has free time. Kaya huwag mo na siyang kulitin.”
Napalabi siya. Hindi pa rin nawawala ang inis niya dito. “Nasaan si Mama?” pag-iiba niya sa usapan. Ayaw niya na itong pag-usapan.
“Sinamahan si Jamaica na bumili ng isusuot para sa college ball nila,” sagot nito. “Hindi ba aalis kayo ni Justin? Maghanda ka na, baka mahuli pa kayo sa flight niyo.”
“Oo nga pala,” naalala niya. Tumingin siya kay Justin at nginitian ito. “Mag-aayos lang ako. Wait for me here, okay?”
Tumango ito. “Huwag ka na masyadong magdala ng maraming gamit. Babalik din naman tayo dito pagkatapos ng reception.”
“Hindi tayo magtatagal doon?” nanghihinayang na tanong niya dito. Akala pa naman niya makaka-pamasyal pa siya sa Cebu.
“Marami pa akong kailangang asikasuhin sa brokerage ko, babe,” sagot nito. “Pasensiya ka na, ha? Maybe next time, ipapasyal kita doon. Hindi ba kailangan mo na rin namang bumalik sa trabaho mo sa MicroGet. Kakailanganin ka ni Christopher doon.”
Tumango siya at malambing itong nginitian. “Basta babalik ulit tayo doon, ha?”
Tumango lang ito.
Gumaan na ang pakiramdam niya. Napaka-caring na boyfriend talaga nito. Masuwerte siya na natagpuan niya ito sa buhay niya. Lumingon siya sa kanyang ama at nakita ang kasiyahan sa mga mata nito. Masaya din ito para sa kanya.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 3: Matthew AzcarragaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon