Chapter 20.3

3.9K 69 3
                                    


"NASA kamay na ng pulisya si Brian, Anthony," wika ng isang lalaki sa kanya. "Tulad ng inaasahan natin, pumalpak na naman ang lalaking iyon. Mabuti na lang at hindi mo na siya tinulungan."

Napailing siya sa sinabi nito.

"Ano ang gusto mong gawin sa kanya?" tanong nito.

"Ano pa ba? Tapusin mo na," utos niya. "Wala na tayong mapapala sa kanya. Simula pa lang naman, pera lang ang kailangan niya. Ayoko ng mga tauhang walang kuwenta."

"Wala na nga pala si Sandra," imporma nito sa kanya. "Napatay siya ni Brian."

Napatingin siya dito at napatango. "Kaya pala siya malungkot ngayon," tukoy niya sa babaeng naging mahalaga sa puso niya.

"Aalis na ako, tawagin mo na lang ako kapag may kailangan ka," paalam nito.

Bago ito lumabas ay muli niya itong tinawag. "Huwag niyong gagalawin ang sino mang 'breakers'. Sigurado akong ini-imbestigahan nila ang pangyayaring ito. Hindi ko gustong masira ang plano ko."

Tumango lang ito at tuluyan ng lumabas.

Inabot niya ang baril na nakapatong sa ibabaw ng mesang nasa harap at ikinasa iyon. He smiled wickedly. "Magkikita ulit tayo, Christopher Samaniego Jr. Hintayin mo lang ang araw na iyon. Kukunin ko ang lahat ng dapat ay sa akin."

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 3: Matthew AzcarragaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon