HALOS tatlong linggo nang nakahiga lang sa kama niya si Liezl, nababagot na siya sa loob ng kuwarto niya. Araw-araw ay may dumadalaw na mga bagong mukha sa kanya, kahit nahihirapan siyang paki-tunguhan ang mga ito ay pinipilit niya pa rin ang sarili dahil iyon ang utos sa kanya ni Matthew. Unti-unti namang gumagaan ang loob niya sa sinasabi nitong pamilya niya kahit wala pa rin siyang matandaan sa mga ito.
Masaya siya ngayong araw na ito dahil tinanggal na ang cast na nakakabit sa kaliwang binti at braso niya. Makakapag-simula na ulit siyang maglakad-lakad.
“Nasaan na si Matthew?” tanong niya sa nurse na nagbabantay sa kanya. Nakaupo siya sa kama niya habang minamasahe nito ang kaliwang binti niya. Hindi niya pa nakikita si Matthew ng araw na iyon, si Dr. Kate Santos kasi ang nagtanggal ng cast niya.
“May mga intern po kasi na sinu-supervise siya ngayon. Siya ang magbibigay ng speech sa kanila kaya medyo busy talaga siya ngayon,” sagot nito.
“Puwede ba tayong pumunta sa kanya, para makapaglakad-lakad din ako,” tanong niya. Gusto niya na ring makalabas ng kuwarto na iyon dahil matagal-tagal din siyang nakakulong doon.
“Sigurado po ba kayong kaya niyo ng maglakad?” paniniguro nito.
Tumango siya at inalalayan naman siya nitong tumayo. Kahit mabagal silang naglalakad ay masaya naman siyang nakikita ang ibang pasyenteng naroroon at nag-e-ehersisyo ding gaya niya. Napatigil sila sa isa sa mga istasyon doon kung saan naroroon si Matthew at nagsasalita sa harap ng mga interns ng ospital nito. Nakatalikod ito sa kanya kaya pinakinggan niya na lang ito.
He looked so good standing there and speaking. Nakikita niya rin ang paghanga sa mga mata ng mga babaeng interns na nakikinig dito.
“So, you’re all standing here because you all want to become a doctor, a specialist, surgeon or any medical profession that you all dreamed of being,” narinig niyang wika nito. Nanatili lang siya doon at pinakinggan ang speech na ginagawa nito sa harap ng mga advanced medical students na nandoon. “Ang gusto ko lang na malaman niyo ngayon at isa-puso ay ang mga bagay na kailangan ng isang mabuting doktor. I don’t want to be called the ‘best doctor’; I preferred to be called a ‘good doctor’. Paano kayo magiging isang mabuting doktor? It is when you treat your patients like your own family. Be respectful and kind to them. Doctors cannot be choosers, hindi nila dapat pinipili kung sino ang gusto lang nilang gamutin. Pantay-pantay lang ang dapat nating ituring sa mga pasyente. Hindi dahil president siya ng bansa ay mas pagtutuunan na natin siya ng pansin kaysa sa isang baliw o sa isang basurero.
“You have to see your patient as human beings at hindi isang bagay na may sakit at kailangang pag-eksperimentuhan. What are the qualities of a good doctor? I’ve learned this from one of my mentors while I’m attending a lecture in a medical school in Singapore,” sandali itong tumigil para tumikhim. Lahat ng atensiyon ng mga naroroon ay nakuha na nito. “There are three qualities a good doctor should have, the knowledge, empathy and philosophy. You should continue to learn and gain knowledge in your profession, hindi habang buhay na solusyon ang isang gamot sa isang sakit. You should not under-prescribe or over-prescribe your patients. You should learn to be empathetic to your communications with your patients, give them confidence and make them feel that you are there for them. You should also be a good philosopher, counsel them on their diet, exercise and stress management. And most of all, you should be dedicated on what you were doing.”
Napangiti siya. She knew him for being a sincere, caring, compassionate and empathetic person. He really was a very good doctor. Siguro dahil na rin sa mga pinagdaanan nito sa buhay. Tumingin siya sa nurse na nakaalalay sa kanya, nasa mga mata din nito ang paghanga kay Matthew.
“Balik na tayo sa kuwarto,” sabi niya dito. “Ayoko ng abalahin si Matthew.”
Tumango lang ito at inalalayan na siya sa paglakad.
“Alam niyo po, napaka-suwerte niyo kay Dr. Matthew,” wika nito habang naglalakad sila. “Siya na yata ang pinaka-mabait na doktor na nakilala ko sa buong buhay ko.”
“Talaga?” muli siyang napangiti. Ito rin ang pinaka-mabait na tao na nakilala niya sa buong buhay niya. Masaya siya dahil hindi ito nawala sa alaala niya katulad ng iba.
“Opo, alam niyo po, sa lahat ng doktor na nandito, siya ang may pinaka-warm na personality,” pagkukuwento nito. “He’s a very good listener and communicator. Inspirasyon nga namin siyang lahat dito. Hindi lang dahil sa itsura niya, pati na rin sa ugali niya. Kahit isa siya sa pinaka-mataas na doktor dito at may-ari pa ng ospital, tumutulong pa rin siya sa pag-aayos ng maduduming higaan ng mga pasyente, sa mga bagay na ginagawa lang dapat ng nurses. Sabi niya kasi sa amin na hindi siya naniniwalang nakatataas siya sa amin. Na pantay-pantay lang din kami, mas marami nga lang ang responsibilidad na ginagawa niya.”
Tumango siya. “Ganoon talaga si Matthew.”
“Kaya nga po ang daming ibang nurses at staffs dito na halos itapon na ang sarili kay Dr. Matthew,” pagpapatuloy pa nito.
Kumunot ang noo niya sa sinabi nito.
Bahagya itong lumapit sa kanya at bumulong. “Sinusubukan po nilang landiin si Doc, pero huwag po kayong mag-alala, sigurado po akong loyal sa inyo si Doc.”
“Sa akin?” nagtataka niyang tanong.
Naguguluhan itong tumingin sa kanya. “Hindi po ba kayo girlfriend ni Dr. Matthew?”
Napangiti siya at napailing. “No, best friend niya lang ako.”
“Ganoon po ba?” may panghihinayang ang naging tono nito. “Naku, kapag nalaman iyan ng ibang mga nurses dito, siguradong magsisimula na naman ang mga iyon sa paglandi kay Doc. Natigil lang naman sila dahil akala nila girlfriend ka ni Doc.”
Natigilan siya sa sinabi nito. Hindi niya alam kung bakit parang ayaw niyang marinig na may lumalandi kay Matthew. Siguro dahil baka mabawasan na ang atensiyon na ibinibigay nito sa kanya kapag maraming babae na ang lumalapit dito.A/N: You can follow me on my Facebook Account: Venice Jacobs (Crown Princess Alien).
![](https://img.wattpad.com/cover/160129426-288-k494555.jpg)
BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 3: Matthew Azcarraga
RomanceLiezl was very much contented with her life - having a stable job, a happy family and a perfect love life with her long time boyfriend na si Justin Aguirre. Idagdag pa ang best friend na laging nasa tabi niya para sumuporta, si Matthew Azcarraga, a...