ONCE Liezl entered their house, agad niyang napansin ang mga luggage na nasa living room. Nakita niya rin ang Papa at Mama niya na nakabihis at mukhang may pupuntahan. "Oh, nandito na pala ang prinsesa natin," bati sa kanya ng kanyang Papa. "Saan kayo pupunta, Papa?" tanong niya. "Anak," Mama niya ang sumagot. "May importanteng business deal ang Papa mo sa New York, kailangan naming pumunta doon. Naisipan na rin naming mag-bakasyon muna, hinintay ka namin para tanungin ka kung gusto mong sumama?" "New York?" napaisip siya. "Hindi na, Ma. Ang dami ko pang dapat asikasuhin sa kumpanya ni Christopher. Saka na lang siguro ako magbabakasyon," nginitian niya ang mga ito. "Enjoy your vacation there, okay? Don't forget to call." Nginitian din siya ng mga ito at niyakap. Sakto namang bumaba sa hagdan si Jamaica, bitbit ang sarili nitong bagahe. Nagtataka siyang napatingin dito. "Isasama na rin namin itong si Jamaica," sagot ng Mama niya sa pagtatakang nasa mukha niya. "Nagpumilit din kasi." "Wala ka na bang klase?" tanong niya dito. Umiling ito at ngumiti. "Semestral break namin ngayon, ayoko namang ubusin ang bakasyon ko dito sa atin. Buti sana kung laging bumibisita dito si Kuya Matthew, kaya lang mukha namang busy din siya." Tumango na lang siya. "Si Kuya Jerome?" Narinig niya ang pagbuntong-hininga ng Papa niya. "Sumali na naman sa isang drag racing sa France. Alam mo naman ang kuya mong iyon, hindi masaway sa mga hilig niya." "Ibig sabihin, mag-isa lang ako dito?" hindi makapaniwalang tanong niya. "Doon ka na muna kay Matthew makitira kung gusto mo," suhestiyon ng Papa niya. "Para naman hindi ka nababagot dito sa bahay." Napalabi siya. "Huwag na, dito na lang ako." "Bakit, anak? Nag-away ba kayo ni Matthew?" nagtatakang tanong ng Mama niya. Umiling siya. "Marami kasi siyang ginagawa sa ospital." Tumango na lang ang mga ito. "Siya sige, kami'y aalis na. Mag-iingat ka dito, ha?" paalala ng Papa niya. "Lock the doors, tatawagan ka namin." Tumango siya at hinalikan ang mga ito. Pagkaalis ng mga ito ay pumasok siya sa kuwarto niya at inabala ang sarili sa mga reports na kailangan niyang gawin.
BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 3: Matthew Azcarraga
Storie d'amoreLiezl was very much contented with her life - having a stable job, a happy family and a perfect love life with her long time boyfriend na si Justin Aguirre. Idagdag pa ang best friend na laging nasa tabi niya para sumuporta, si Matthew Azcarraga, a...