AGAD na pumasok sa loob ng Azcarraga Hospital si Liezl pagkababa niya ng sasakyan ni Justin. Niyaya niya itong samahan siya sa loob pero tumanggi ito at sinabing hihintayin na lang siya dahil may kakausapin pa daw ito sa cell phone nito na isang kliyenteng mag-e-export ng produkto galing sa Thailand.
"Ma'am Liezl," bati sa kanya ng nurse na nakasalubong. "Balita ko po bumalik na daw ang memorya niyo."
"Oo," sagot niya nang may ngiti sa labi. "Nandito ba si Matthew?"
"Kanina pa po siyang nasa operating room, palabas na po siguro siya ngayon. Hintayin niyo na lang po sa waiting area ng OR," sagot nito at nagpaalam na sa kanya nang tawagin ito ng isang pasyente.
Lumakad siya papunta sa waiting area ng operating room at matiyagang naghintay sa paglabas nito.
"Liz?"
Napalingon siya sa tumawag sa kanya at nakita niyang lumapit sa kinauupuan niya si Alyzza, may dala itong dalawang cup ng coffee.
"Alyzza!" bati niya dito at malawak na ngumiti. Tumayo siya at lumapit dito. Hindi niya pa ulit ito nakakausap simula ng magbalik ang alaala niya. "Kumusta ka na?"
Ngumiti din ito. "I'm doing great. Mabuti naman at naaalala mo na ako."
"Anong ginagawa mo dito? Nagpapa-check-up ka ba?"
Umiling ito at itinaas ang hawak na cups ng coffee. "May hinihintay lang ako."
Tumango lang siya.
"May good news nga pala ako sa'yo," pagpapatuloy nito.
Napangiti siya. "Talaga? Mukhang maraming nangyari sa'yo noong nawala ang alaala ko, ah? Ano 'yon?"
Malawak ang naging pag-ngiti nito. "I'm dating Matthew."
Biglang nawala ang ngiti sa mga labi niya sa sinabi nito. "Y-You're... what?"
Kumislap ang mga mata nito habang nakatingin sa kanya. "I'm dating the handsomest doctor in town, Liz. Hindi ba dati pinagpa-pantasyahan ko lang siya."
Iniiwas niya ang tingin dito, parang may biglang bumara sa lalamunan niya. Tumikhim siya. "K-Kailan pa?" Bakit ngayon niya lang 'ata nalaman iyon?
"Ngayong linggo lang kami nagsimulang lumabas," sagot nito. "Ako na mismo ang gumawa ng paraan para makalapit sa kanya. It's better than doing nothing, right?"
Tumango siya at pilit na ngumiti. "C-Congratulations," iyon na lang ang nabanggit niya.
"Thank you," tugon nito. "Lalabas na siya maya-maya, mga seven hours na siya sa loob ng operating room. Kakausapin mo ba siya?"
"No," mabilis niyang tugon. "Napadaan lang naman kami ni Justin. Mukha namang busy siya kaya saka na lang siguro," iyon lang at mabilis na siyang nagpaalam dito at dumiretso sa kinapaparadahan ng sasakyan ni Justin. Nagtataka pa itong napatingin sa kanya pagkapasok niya.
"Nakausap mo na siya? Ang bilis naman 'ata," tanong nito.
Nginitian niya ito, pero hindi pa rin noon natatanggal ang mumunting kirot sa puso niya. "Busy siya, sa ibang araw na lang siguro," aniya bago napabuntong-hininga. "Nagde-date pala sila ni Alyzza."
Wala naman itong reaksiyon sa sinabi niya at sinimulan ng paandarin ang sasakyan.
"Kilala mo siya, hindi ba? 'Yong kaibigan ko," pagpapatuloy niya.
"Oo," maikling tugon nito.
"That's great. They look good together," komento niya. Iyon ba talaga ang gusto niyang sabihin?
Sumulyap ito sa kanya, pero hindi na ito tumugon. Tumingin na lang siya sa labas ng bintana at pinagmasdan ang nag-gagandahang ilaw ng mga gusali.
BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 3: Matthew Azcarraga
RomanceLiezl was very much contented with her life - having a stable job, a happy family and a perfect love life with her long time boyfriend na si Justin Aguirre. Idagdag pa ang best friend na laging nasa tabi niya para sumuporta, si Matthew Azcarraga, a...