NAGPATANGAY na lang si Matthew nang hilahin siya ni Liezl sa isang game booth na nandoon. Kumunot ang noo niya at tumingin dito. “Alam mo ba kung paano laruin ito?” tanong niya dito.
Umiling ito at tumingin sa lalaking nagbabantay doon. “Excuse me, paano po ba laruin ito?”
Lumapit ito sa kanila. “Kailangan niyo lang pong magtapon ng isang playing coin sa platform na ito. Tapos, kapag nag-land po ang coin niyo sa blue circle, may isa pa kayong chance na mag-toss ulit. Kapag naman sa green circle, puwede kayong mamili sa mga toys at chocolates na nakikita niyo sa estanteng nasa gilid niyo. Kapag naman doon sa red circle na nasa gitna bumagsak ang coin niyo, makakakuha kayo ng isang malaking teddy bear na nakasabit dito.”
“Really?” excited na tanong ni Liezl dito bago humarap sa kanya. “Let’s try this one.”
“Huwag na, mahihirapan tayo diyan,” itinuro niya ang mga circles na nasa platform. “Ang liliit ng mga circles na ‘yan, oh. Ibibili na lang kita ng prize na gusto mo diyan.”
“No,” tanggi nito. “Gusto kong mapanalunan ‘yon,” inabutan siya nito ng tatlong coins. “Ikaw muna.”
Napailing na lang siya at sinimulan na ang pagtapon ng coins sa platform. Napakamot siya sa ulo nang walang tumama sa mga bilog kahit isa. “Sinabi ko na sa’yo, mahirap,” aniya.
Ito naman ang pumuwesto sa gitna. “Ako naman,” then she threw the first coin. Hindi rin iyon tumama sa kahit anong circles. Pero nagulat siya nang mag-landing ang pangalawa nitong coin sa mismong pulang bilog. “Oh my gosh!” napatalon ito sa tuwa. Siya naman ay napangiti na lang.
Humarap ito sa kanya. “Did you see that? I did it.”
Tumango siya. “You’re good,” komento niya. Masaya siya sa nakikitang enjoyment sa mukha nito. Pero nagulat siya nang bigla itong tumingkayad at ginawaran ng mabilis na halik ang mga labi niya. Napatitig siya dito, hindi pa rin makapaniwala sa nangyari. Ang tagal niyang pinangarap na matikman man lang ang mga labi nito kahit ilang saglit, his heart was already pounding wildly in his chest.
Nakita niya nang unti-unting nawala ang ngiti sa mga labi nito. “Hindi ko ba puwedeng gawin ‘yon?” mahinang tanong nito.
Awtomatikong umangat ang kamay niya at hinapit ito sa baywang. Mukhang ito naman ang nagulat nang sakupin ng mga labi niya ang bahagyang nakaawang na mga labi nito.
BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 3: Matthew Azcarraga
RomanceLiezl was very much contented with her life - having a stable job, a happy family and a perfect love life with her long time boyfriend na si Justin Aguirre. Idagdag pa ang best friend na laging nasa tabi niya para sumuporta, si Matthew Azcarraga, a...