Chapter 5.1

3.8K 79 1
                                    


IT had been a week since Justin left the country, araw-araw naman itong tumatawag sa kanya pero parang kulang pa rin iyon. Si Matthew naman ay hindi man lang nagawang magparamdam sa kanya, naiinis na siya dito. Nasa loob siya ng Sweet Buns & Cakes Restaurant niya at kausap ang isa sa mga staffs doon nang makatanggap siya ng tawag mula sa kapatid ni Justin na si Jino Aguirre na nasa ospital daw ang ate nitong si Arrhea Aguirre. Nagmamadali siyang lumabas ng restaurant at sumakay sa kaa-ayos lang na sasakyan niya. She drove straight to the Azcarraga Hospital in Makati. Tinanong niya sa front service nurse doon ang kuwarto ni Arrhea at mabilis na tinungo iyon. Pagkapasok niya sa loob ay nakita niya itong nakaupo sa hospital bed nito, may nakakabit na dextrose sa kaliwang kamay nito at may ilang bruises din sa mukha. Nandoon din sa loob ng kuwarto sina Jino at ang talent manager nito. Artista sa bansang South Korea si Arrhea at pansamantalang doon ito naninirahan. Hindi niya alam na umuwi pala ito dito sa Pilipinas at ngayon nga ay naka-confine dito sa ospital. Napalingon ito at pilit na ngumiti nang makita siya. Pero nakikita niya sa mga mata nito ang kalungkutan at paghihirap na dinadala. Magalang na nagpaalam sina Jino at ang manager nito nang makalapit siya sa gilid ng kama nito. "We'll be outside," wika ng manager nito na sa tingin niya ay nasa mid-thirties na nito. She stared at Arrhea. Maganda pa rin ito sa kabila ng mga galos na nasa mukha nito. But she was not the same Arrhea she used to know. Ang sikat na model at actress sa bansang South Korea, ang masayahing kapatid ng nobyo niyang si Justin na sa kabila ng kasikatan at kapaguran sa tight schedules nito ay nagagawa pa ring ngumiti. Nawala na ang ningning sa mga mata nito. "What happened?" tanong niya. Tumingin ito sa labas ng bintana. "Car accident." "Kailan ka pa dito?" "Kahapon pa," muli nitong ibinalik ang tingin sa kanya. "Sinabi mo ba kay Kuya?" Umiling siya. "Nasa Canada siya ngayon, siguradong babalik iyon dito kapag nalaman niya." "Don't tell him," bulong nito. "Ayos na naman ako." Hinawakan niya ang kamay nito. "Ano bang nangyari sa'yo? Bakit ka nagkakaganito?" Nangilid ang mga luha sa mga mata nito. "Liz," bahagya pa itong pumiyok. Tuluyan na itong napahagulhol. "Si Rafael..." Hinaplos niya ang buhok nito. Naiintindihan niya na ang problema nito. Ang itinuturing nitong best friend na si Rafael Choi – kaibigan din ito nina Justin at Matthew. Matagal niya ng alam na in-love ito sa best friend nito. Pero sa pagkaka-alam niya ay hindi magawang tugunin ni Rafael ang pagmamahal nito ng higit pa sa isang kaibigan. Ano na ba ang nangyayari sa mga ito? "It's okay, huwag mo na iyong iyakan," pagpapatahan niya dito. "Maybe there's someone else for you out there, Arrhea." Marahas itong umiling. "Si Rafael lang ang gusto ko, Liz," hilam na sa luha ang mukha nito. "I have everything. Money, fame, lahat... Hindi ko kailangan lahat ng iyon, siya ang kailangan ko. Bakit hindi na lang siya ibigay sa akin? I'm willing to sacrifice everything just to have him. Ang tagal-tagal ko na siyang minamahal," tinakluban nito ng mga palad ang mukha at doon humagulhol. She sighed. "Arrhea... calm down. Baka kung ano pang mangyari sa'yo." Awang-awa na siya sa kalagayan nito pero wala naman siyang magawa. May karapatan itong magmahal pero may karapatan din namang magmahal si Rafael ng kung sinong gustuhin nito. "No!" Arrhea shouted. "Hindi mo alam ang nararamdaman ko! Hindi mo alam kung gaano kasakit magmahal ng isang taong ang kaya lang ituring sa'yo ay isang kaibigan! You don't know how I feel; you don't know how it hurts! Kung gaano kasakit na makita silang magkasama at masaya habang patuloy lang na nadudurog ang puso ko!" pagalit nitong ibinato ang unan sa sahig. "I tried to be the best for him, lagi akong nasa tabi niya tuwing kailangan niya ng taong susuporta sa kanya. Bakit si Ashlee pa rin?! Ano bang meron siya na wala ako?!" She was now hysterical. Pilit niya itong pinapakalma nang may magsalita sa likod. "Ako na ang bahala sa kanya," napalingon siya kay Matthew na nakatayo malapit sa pinto. "Matthew," lumakad siya palapit dito pero nilampasan lang siya nito at lumapit kay Arrhea na patuloy pa rin sa pag-iyak. May itinurok itong pampakalma dito na agad din namang um-epekto. Nanghihina itong napahiga sa kama. Nilagyan ito ng unan ni Matthew sa ulunan at maayos na kinumutan. Ilang sandali lang ay tulog na ito. "I'm sorry," she said. "Hindi ko naman alam na—" "Kailangan niya ng pahinga, masyado siyang stressed nitong mga nakaraang araw," putol nito sa sinasabi niya. Pagkatapos ayusin ang dextrose na nakakabit dito ay lumakad na ulit ito palabas ng kuwarto. Hinabol niya ito hanggang sa hallway ng ospital. "Matt," tawag niya dito. Tumigil ito at hinarap siya. Naninibago siya sa nakikita niya sa mga mata nito. It was pure coldness. "Hindi mo sinasagot ang mga tawag ko," aniya. "Nagpalit ka na ba ng number?" Paging Dr. Azcarraga, kailangan po kayo sa emergency room, narinig nilang anunsiyo ng announcer sa speaker ng ospital. Hindi na siya nito sinagot at lumakad na patungo sa emergency room ng ospital. Hindi niya alam pero nasasaktan siya sa mga ipinapakita nito ngayon, wala na ba talaga siyang halaga dito? Umiling siya, pilit tinatanggal iyon sa isipan. Busy lang ito, siyempre mas mahalaga pa rin ang buhay ng pasyente nito. Bumuntong-hininga siya at humakbang na palabas ng ospital nito. She went straight to her car. Pagod na siya kaya napag-pasiyahan niyang umuwi na lang sa kanila at magpahinga. Marami pa siyang tatapusing reports na pinagagawa ni Christopher.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 3: Matthew AzcarragaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon