PAGKABALIK ni Matthew sa waiting area ng kuwarto ni Liezl ay nakita niyang nandoon pa rin ang pamilya nito kasama sina Justin, Christopher, Stacey at ang kaibigan ni Liezl na sa pagkaka-alala niya ay si Alyzza.
Tumayo ang mga ito nang makita siya.
“What is it?” tanong ni Justin sa kanya.
Humugot muna siya ng malalim na hininga bago simulang sabihin sa mga ito ang kondisyon ni Liezl. “She’s suffering from amnesia,” panimula niya.
Narinig niya ang pagsinghap ng Mama nito.
“There are three types of memory affected by amnesia,” pagpapatuloy niya. “The immediate, intermediate and long term memory. She was suffering from a long term memory loss, where she will be unable to recall events and people from the past. It is due to the head injury she got from the accident, a head trauma where she can recover her memories after her brain has had the time to adjust. Minsan may mga alaala nga lang na posibleng permanente ng mawala.”
“Pero… bakit naaalala ka niya, hijo?” tanong ng Papa nito.
“Hindi ko rin po alam ang sagot diyan, tatawagan ko ang ilang eksperto na kakilala ko sa America para itanong ang bagay na iyan,” tugon niya.
“Wala bang gamot para sa sakit niya?” tanong naman ng Mama nito.
“All we can do is to let her recall her memories on her own. Darating din ang oras na babalik din ang alaala niya,” sagot niya. “She should have sufficient rest and sleep under proper conditions. Hindi dapat siya bigyan ng stress o anumang makakapag-pagulo sa isipan niya ngayon. Diet is also very important. She needs all the essential nutrients in her body. She should also avoid tea, coffee, alcohol, flesh foods, white flour and sugar. Mas makakatulong ang mga prutas para sa mabilis na pagbabalik ng alaala niya.
“Lahat ng prutas na mayaman sa phosphorus,” sandali siyang tumigil. “Hayaan niyong kausapin ko siya at ipaliwanag ang kalagayan niya. Mas makabubuti rin kung hindi ganoon karaming tao ang makikita niya para hindi siya maguluhan.”
Tumango ang mga ito.
“Mabuti na lang at nandito ka, hijo,” wika ng Papa nito. “Huwag mong pababayaan ang anak ko, napakalaking bagay ito para sa amin.”
Pinunasan ng Mama Irene nito ang mga luha. “Hijo, ipinagkakatiwala na namin ang anak ko sa’yo. Mabuti na lang at kahit ikaw ay naaalala niya,” tumingin ito sa iba pa nitong mga anak. “Halina kayo, tulungan niyo kami ng Papa niyo na kumuha ng gamit ng kapatid niyo sa bahay. Bibilhan din natin siya ng makakain, ito na lang ang magagawa natin para sa kanya.”
Sumunod naman ang mga ito at nagkanya-kanya na ng alisan ang mga nandoon. Naiwan na lang siya at si Justin.
Tumingin ito sa kanya. “Salamat, pare.”
Pinilit niyang ngumiti. “Gusto mo ba siyang makita?”
“Naaalala niya ba ako?” tanong nito.
Hindi niya ito nagawang sagutin.
Mukha namang naintindihan nito ang pananahimik niya.
“Pare, sigurado ka bang magiging ayos lang ang lagay niya?” tanong ulit nito.
Tumango siya.
“Kailangan kong bumalik sa Canada bukas,” pagpapatuloy nito. Tumingin ito sa kanya. “Hindi ko siya gustong iwan sa ganitong kalagayan, pero kailangan kong mai-process ang entries ng mga produkto ni Christopher doon. Gusto kong matapos na ang mga ginagawa ko doon para magawa ko ng manatili dito para sa kanya. I’ll do everything to make things fast. Kaya, kung maaari, alagaan mo muna siya para sa akin. Gawin mo ang lahat para maibalik ang alaala niya. Mahalaga sa akin si Liezl, ayoko siyang makitang nahihirapan.”
“Hanggang kailan ka sa Canada?” tanong niya dito.
“Hindi ko alam, tatawagan kita kapag ayos ko na ang lahat. Ipaalam mo rin sa akin ang recovery niya,” sagot nito. “Maaasahan ko ba ‘yon, pare?”
Tumango siya. “Make sure to come back for her. Siguradong ikaw ang unang hahanapin niya kapag bumalik na ang alaala niya.”
BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 3: Matthew Azcarraga
RomanceLiezl was very much contented with her life - having a stable job, a happy family and a perfect love life with her long time boyfriend na si Justin Aguirre. Idagdag pa ang best friend na laging nasa tabi niya para sumuporta, si Matthew Azcarraga, a...