ILANG linggo din ang lumipas simula nang matulog si Liezl sa unit ni Matthew ay hindi na ulit siya nito kinukumusta man lang. Hindi rin nito sinasagot ang mga tawag niya. Ano bang sakit ng lalaking iyon at pabago-bago ng pakikitungo sa kanya? Hindi niya napansin na napapalakas na pala ang pagtipa niya sa keyboard na nasa harap. "Whoa, easy, Liz. Baka masira mo na ang computer niyan," narinig niyang puna ng isang lalaking nakalapit na pala sa desk niya. Nang iangat niya ang tingin ay nakita niya sa harap si Thaddeus Arzadon – isa sa mga kaibigan nina Matthew at Justin at kasamahan sa society ng mga ito – agad itong ngumiti sa kanya. May kasama itong isang babae, napatitig siya dito dahil sa kakaiba nitong ayos. She was wearing a brown leather jacket, black jeans and a pair of boots. She had a short haircut na umabot lang sa leeg nito, light-brown ang kulay ng buhok nito at may red highlights na lalong nakapagpa-astig sa itsura nito. She had a beautiful face, but she looked very intimidating. Para kasing ito ang uri ng tao na hindi mahilig maki-socialize at makialam sa iba. May bitbit din itong black case ng gitara. "Girlfriend mo?" tanong niya kay Thaddeus. Malungkot itong umiling. "Hindi ako type nitong si Rachel Leigh, eh. Ano bang kulang sa akin, Liz," pagda-drama nito. "Sabihin mo nga." Nakita niya ang pag-ngiti ng tinawag nitong Rachel Leigh sa ka-dramahan nito. Napangiti din siya, hindi naman pala ito ganoon ka-intimidating lalo na kapag ngumingiti. "By the way, may problema ka ba, Liz?" tanong sa kanya ni Thaddeus. "Sina-salvage mo kasi 'yang keyboard." Napabuntong-hininga siya. "Iyan kasing kaibigan mong si Matthew, hindi ko na maintindihan ang ugali. Simula ng bumalik siya dito, parang bale-wala na ako sa kanya. Ang bilis magpalit ng mood," pagsusumbong niya dito. Napailing ito. "Sa tingin mo, nagme-menopause na kaya siya?" Malakas ang naging pagtawa niya sa sinabi nito. Kahit kailan talaga ay hindi matinong kausap itong si Thaddeus, naturingan pa namang lawyer. Paano kaya nito naipapanalo ang mga kaso nito sa korte? "Bakit ka nga pala nandito?" pagbabago niya sa usapan. Bago pa ito makasagot ay tumunog na bigla ang cell phone nito. Nag-excuse ito sa kanila at bahagyang lumayo para sagutin ang tawag. "Papunta na nga ako diyan," narinig pa niyang wika nito. Humarap siya kay Rachel Leigh na lumakad palapit sa desk niya. "Ikaw ang girlfriend ni Justin, right?" tanong nito. Nagtataka siyang tumango dito. "How did you know?" "Matagal ko na siyang kakilala, nai-kuwento ka niya sa akin," sagot nito bago iginala ang paningin sa paligid. "So, this is MicroGet." Napangiti siya. "Napakaganda ng kumpanyang ito, everything is fair. Siyempre, mabait ang boss namin." Napatingin ito sa kanya pero hindi na muling nagsalita hanggang sa makalapit si Thaddeus. "Nandiyan ba si Christopher sa loob?" tanong nito. "Oo, bakit? Kakausapin mo?" Tumango lang ito at tumayo na siya sa pagkaka-upo para samahan ito sa loob. "Rachel, wait here for a while, okay? Hindi naman ako magtatagal," wika ni Thaddeus dito bago sumunod sa kanya. Pagkabukas niya ng pinto ng opisina ni Christopher ay nakita niyang nag-aayos na ito ng mga papel na nasa mesa nito. "Chris," she called. Tumingin ito sa kanya. "What is it?" Pumasok siya sa loob kasunod si Thaddeus. Sinarhan niya ang pinto sa likod nila nang makapasok ito. "Christopher, pare," bati ni Thaddeus dito. "Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Christopher habang ipinapasok ang mga papeles sa folders nito. "Uuwi ka na ba, Liz?" sunod na tanong nito sa kanya. "Oo, maya-maya," she answered. Tumango ito at lumapit sa kanila. "Iyong proposal na pinapa-summarize ko sa'yo?" "Baka next week ko pa maibigay ang summary noon, may inasikaso pa kasi akong ibang reports," sagot niya. Tumango lang ulit ito at hinarap si Thaddeus. "Pare, may ipapaki-usap kasi ako sa'yo," pagsisimula nito. "Pauwi ka na naman, hindi ba?" Nagtatakang napatango na lang si Christopher. "May kasama kasi ako sa labas, si Rachel Leigh. Kilala mo naman siya, di ba?" napakamot ito sa batok. "Ihahatid ko sana siya sa kanila kaya lang may kailangan akong i-meet na witness sa isang kaso ko para bukas ng hapon. Ayos lang ba kung ikaw na muna ang maghatid sa kanya? Dito na ako napatigil dahil ito na ang pinaka-malapit sa meeting place namin ng tatagpuin ko." Kumunot ang noo ni Christopher. "Bakit ba kasi kasama mo siya?" Napatingin siya dito, hindi siya sigurado pero parang may nahimigan siyang galit sa boses nito. Thaddeus exhaled. "Ganito kasi 'yon, uuwi na sana ako. Then suddenly, I saw her walking in the streets alone. Pauwi na rin yata siya, kaya niyaya ko na siyang sumabay sa akin at ihatid sa kanila. Alam mo naman ako, gentleman," puri pa nito sa sarili. "Pero bigla naman tumawag itong witness na sinasabi ko at sinabing may kailangan daw siyang ipaalam sa akin bago siya tumayo sa witness stand bukas. I have no choice, kailangan kong pumunta. Ayoko namang pababain si Rachel at sabihing mag-commute na lang siya. Bawas pogi points iyon, ano?" napangiti pa ito. "Don't worry, pare," pagpapatuloy nito. "This is the first and last time na hihingi ako ng ganitong pabor sa'yo. Sa susunod na isabay ko ulit siya, siguradong ihahatid ko na talaga siya sa bahay ko, este, sa bahay nila," sinundan pa nito iyon ng malakas na tawa. Hindi niya napigilan ang mapangiti sa mga hirit nito. Pero bigla ring nawala iyon nang makita ang seryosong mukha ni Christopher. Nagtataka na siya dito, maging si Thaddeus ay napatigil sa pagtawa at tumango-tango. "Well, ikaw na ang bahala sa kanya, pare," wika nito bago mabilis na lumabas ng opisina nito. Napatingin siya kay Christopher nang mapabuntong-hininga ito. Tumingin din ito sa kanya. "May problema ka ba?" tanong niya dito. "Wala naman. Tawagan mo naman si Matthew mamaya. Tell him may board meeting ang stockholders ng MicroGet," wika nito. She let out a sigh. "Hindi niya naman sinasagot ang mga tawag ko." Ngumiti ito. "Just try, kapag hindi niya sinagot, call me," muli itong bumalik sa office table nito at inayos ang mga folders at portfolios na nandoon. "Tell Rachel to wait for me, lalabas na ako mamaya." Tumango na lang siya at lumabas ng opisina nito. Nakita niya si Rachel na mag-isa na lang na nakatayo sa harap ng desk niya. Nilapitan niya ito. Nakikita niya pa ang pag-aalala sa mukha nito. "Umalis na si Thaddeus?" tanong niya dito. "Oh?" napatingin ito sa kanya, parang noon lang napansin na nandoon siya. "Ah, yeah." Ano bang nangyayari dito? Parang hindi ito mapakali. "You can seat on that settee over there," turo niya sa isang settee na hindi kalayuan sa desk niya. "Lalabas na si Christopher mamaya." Lumapit ito sa settee at naupo doon. Ipinatong nito sa sahig ang hawak na case ng gitara bago sumandal at pumikit. Ilang sandali lang ay nagmulat ito at tumingin sa kanya. "Aalis na lang siguro ako, matatagalan pa ba siya?" "May importante ka pa bang pupuntahan?" she asked. "W-Wala naman," sagot nito. "Hintayin mo na lang siya, hindi magugustuhan ni Thaddeus kapag nalaman niyang umalis kang mag-isa. Nakiusap pa naman siya kay Christopher." Tumango lang ito at ipinatong ang ulo sa headrest ng settee bago muling pumikit. "Where are you working?" she asked curiously. Pero sa tingin niya ay tumutugtog ito sa isang banda. "I'm in a rock band, tumutugtog kami sa G Club at sa Niel's Bar," sagot nito nang hindi nagmumulat ng mga mata. Tumango-tango siya. "Niel's Bar? Iyong bar ni Daniel Fabella?" "Oo," maikling tugon nito. Tinitigan niya ito. Mukhang pagod na pagod ito, tapos iniwanan pa dito ni Thaddeus. Napailing siya at napatingin kay Christopher nang lumabas ito ng opisina nito. "Hindi ka pa uuwi, Liz?" tanong nito sa kanya. "Maya-maya na siguro," sagot niya dito at tumingin kay Rachel Leigh nang umayos ito ng upo. "Mauna na ako," he said then walked to where Rachel was sitting. Inabot nito ang case ng gitara nito na nasa sahig. "Let's go." Tumayo si Rachel at akmang kukunin kay Christopher ang hawak na case ng gitara. "Ako na ang magdadala niyan," wika nito. Inilayo ni Christopher ang hawak dito. "You look very tired, ako na." She just stared at the two of them; there was something awkward in that situation. Matagal na bang magkakilala ang mga ito? Nakita niya nang nauna ng maglakad palayo si Rachel Leigh, sumunod na lang si Christopher dito. "Wow, something is really going on," wika niya sa sarili. "No, si Stacey ang girlfriend ni Christopher, di ba?" naguguluhan siyang napailing. "Bakit ko ba pinapakialaman ang buhay nila?" Hindi niya na lang inisip iyon at ipinagpatuloy na ang pag-aayos ng mga gamit.
BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 3: Matthew Azcarraga
RomantikLiezl was very much contented with her life - having a stable job, a happy family and a perfect love life with her long time boyfriend na si Justin Aguirre. Idagdag pa ang best friend na laging nasa tabi niya para sumuporta, si Matthew Azcarraga, a...