MASAYANG pumasok sa loob ng ospital si Liezl, ilang araw na siyang padalaw-dalaw doon kaya ka-close niya na ang halos lahat ng nurses at interns na naka-duty tuwing dadalaw siya. Alam na alam na ng mga ito kung sino ang kailangan niya kaya agad nang sinasabi ng mga ito kung nasaan ito.
“Nasa office niya po si Doc,” sabi ni Marie, ang nurse na nag-alaga sa kanya noong naka-confine pa siya dito.
Nagpasalamat siya dito at tumuloy na sa opisina ni Matthew. Bahagyang nakabukas ang pinto kaya sumilip siya at nakita itong nakaupo sa silya nito at nakatingin sa computer screen. May isang pasyenteng nakaupo sa upuang nasa harap ng mesa nito, may nakatayo ding nurse sa gilid nito.
Ilang sandali lang ay tumayo na ang pasyente at nagpaalam dito. Binati niya pa ang mga ito nang makita siya sa may pinto. Pagkatapos ay siya naman ang pumasok sa loob.
“Surprise!” bati niya kay Matthew.
Tumingin ito sa kanya at ngumiti. “What’s with the surprise? Halos araw-araw ka namang nandito, dapat hindi ka na lang nagpa-discharge.”
Mabilis siyang lumapit dito at hinila ito patayo. “Let’s go out,” ungot niya dito.
“Saan?”
“In a place where we can have fun,” sagot niya.
“Sa society?” tanong ulit nito.
Tiningnan niya ito ng masama. “Doon ka lang ba magiging masaya? I mean sa amusement park. Hindi pa uli ako nakakapunta doon. Sige na, punta tayo doon, hmm?”
Napangiti ito at tiningnan ang oras. “It’s already past six.”
“That’s okay, mas maganda ngang pumunta doon ng gabi na,” hinila niya ito sa coat na suot nito. “Sige na, please.”
Tumawa ito. “Okay, okay,” pagpayag nito saka tinanggal ang suot na white coat at stethoscope na nakasabit sa leeg. “Dala mo ba ang sasakyan mo?”
“Nope, nag-commute ako papunta dito,” masayang sagot niya.
Napailing na lang ito at nagpatangay sa kanya palabas ng opisina nito.
“WOW! That was so cool!” she exclaimed as they went down the Ferris wheel ride. Hinawakan niya sa braso si Matthew. “Let’s try it again.”
Ngumiti lang ito. “Tama na, ang haba uli ng pila, oh? Mauubos ang oras natin diyan. Let’s try the other rides,” suhestiyon nito. Sumunod na lang siya dito.
“Parang bumalik ako sa pagkabata,” aniya habang naglalakad sila at naghahanap ng bagong masasakyang ride. Napatingin siya dito nang tumigil ito sa paglalakad. Nakatingin ito sa isang batang lalaki malapit sa kanila, nakaupo ito sa isang wheelchair at nakasuot ng bonnet dahil siguro sa nalalagas na nitong buhok. Maputla na rin ang kulay ng balat nito, a cancer patient, maybe.
Sinundan niya lang si Matthew nang lumakad ito palapit sa bata. Nakatingala ang bata sa isang tindahan ng mga laruan at souvenir items, nasa likod nito ang isang babaeng sa tingin niya ay ina nito.
“Gusto mo ba ng mga iyan?” narinig niyang tanong dito ni Matthew.
Tumingin dito ang bata at tumango. “R-Ro… bot…” wika nito sa mahinang tinig.
Agad na lumapit si Matthew sa tindahan at binili ang iba’t ibang klase ng robot na nandoon. Bumili din ito ng iba’t ibang klase ng balloons sa kabilang stand at lahat ay ibinigay sa bata. Parang may humaplos sa puso niya sa nakitang pag-ngiti ng bata at sa kasiyahang nasa mga mata ni Matthew habang nakatingin dito. Nang mapatingin siya sa ina ng bata ay puno na ng luha ang mukha nito.
Hinaplos ni Matthew ang ulo ng bata. “Magpagaling ka, ha? Para sa susunod, makasakay ka na sa mga rides na nandito. Okay?”
Hindi niya napigilan ang pangingilid ng mga luha habang pinagmamasdan ang mga ito.
Tumango lang ang bata at nagpasalamat naman ang ina nito kay Matthew. Pagkatapos ay lumapit na ito sa kanya at ipinagpatuloy na nila ang paglalakad. Pinunasan niya ang mga luha na pumatak na sa mukha niya, muling napatigil ito at humarap sa kanya. He dried her tears with his hands.
“Stop crying,” anito. “May binili rin ako para sa atin,” itinaas nito ang hawak na dalawang string-made bracelets. “Ta-dan, friendship bracelets,” isinuot nito sa kanang kamay niya ang isa at isinuot naman nito sa kaliwa nitong kamay ang isa pa. “You like it?”
Tinitigan niya ang bracelet na nasa kamay. “How much is it?”
He grinned widely. “Thirty pesos.”
Tiningnan niya ito. “Cheap,” but then she smiled and hugged him. “But I like it, thank you.”
![](https://img.wattpad.com/cover/160129426-288-k494555.jpg)
BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 3: Matthew Azcarraga
RomanceLiezl was very much contented with her life - having a stable job, a happy family and a perfect love life with her long time boyfriend na si Justin Aguirre. Idagdag pa ang best friend na laging nasa tabi niya para sumuporta, si Matthew Azcarraga, a...