Chapter 12.6

3.3K 68 0
                                    


ILANG araw ang lumipas, mukha namang nawala na ang nararamdaman niyang inis para sa best friend niya. Siguro disappointed lang siya noon dahil hindi man lang siya nagawang sabihan nito tungkol sa relasyon nito kay Alyzza.

Nang araw na iyon ay napag-desisyunan niyang bisitahin ulit ito sa ospital nito. Gusto niyang makipag-kuwentuhan dito at i-congratulate ito sa bago nitong relationship. Nakaupo siya sa lounging area ng ospital nang makita itong naglalakad na may hawak na mga note cards. Agad siyang tumayo at lumapit dito.

"Matthew," tawag niya at kumaway dito. Matamis niya itong nginitian nang makalapit dito.

Sinulyapan lang siya nito bago muling ibinalik ang tingin sa hawak na note cards. "What do you want? I'm busy," anito sa malamig na tinig.

Bahagya siyang nasaktan sa pakikitungo nito sa kanya. "H-Hindi mo sinasagot ang mga tawag ko, hindi rin naman kita ma-tiyempuhan dito. I want to thank you—"

"Iyon lang ba?" putol nito sa sinasabi niya. "Wala 'yon, marami akong importanteng gagawin kaya kung wala ka ng sasabihin, umuwi ka na at magpahinga."

Kinagat niya ang pang-ibabang labi. "Are you... mad at me?"

His eyes were cold as he looked at her. It was hurting her to see him like that. "Why should I? Marami lang talaga akong ginagawa, Liezl. And you should spend more time with your family and friends, matagal ka nilang hindi nakasama."

Magsasalita pa sana siya nang marinig nilang may tumawag sa pangalan nito. Napalingon siya kay Alyzza na tumatakbong lumapit dito.

"Matthew," agad itong humawak sa braso ni Matthew. "Ang sabi mo ipapasyal mo ako kapag may free time na ako," napatingin ito sa kanya. "Oh, Liz, nandito ka pala."

Napatingin siya sa kamay nitong nakahawak sa braso ni Matthew, parang may humihiwa sa puso niya habang nakatingin sa mga ito, lalo na nang makita niyang nginitian ito ni Matthew.

"Oo nga pala," sagot nito dito. "Saan mo ba gustong pumunta?"

Napatingin siya dito. Hindi ba ang sabi nito may importante itong gagawin?

"Kahit saan," sagot ni Alyzza. "Gusto mo bang umalis na tayo? Pasado alas-singko na."

Tumango lang si Matthew at muling tumingin sa kanya si Alyzza.

"Mauna na kami, Liz. Bibisita na lang ako sa restaurant mo sa ibang araw," paalam nito at hinila na si Matthew palayo.

Naiwan siya doong nakatanga at hindi pa rin makapaniwala sa nangyari. She angrily let out a sigh. Hindi niya napansin na napapahigpit na pala ang pagkaka-kuyom ng kanyang mga kamay hanggang sa marinig niya ang pagtunog ng cell phone niya. Kinuha niya iyon sa bulsa at sinagot. It was Justin.

"Why?" she asked in an irritated voice.

"What's wrong?" nasa tono nito ang pagtataka.

Ilang sandali niyang kinalma ang sarili. "Nothing. Jhust, puwede bang sunduin mo ako ngayon? Nasa Azcarraga Hospital ako sa Makati."

"Okay," sagot nito.

"Let's go out, Jhust," pagpapatuloy niya. "Gusto kong makapag-relax."

Pumayag naman ito at agad na tinapos ang tawag. Bumuntong-hininga siya at ipinikit ang mga mata. Kailangan niya lang makita si Justin, mawawala na ang inis niya.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 3: Matthew AzcarragaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon