Chapter 11.5

3.3K 58 1
                                    

SINUNDAN niya ng tingin si Vincent Fabella nang lumakad ito palayo sa kanila, nasa reception sila ng kasal nina Jeremy at Keira sa hacienda ng mga ito sa Cebu. Ibinalik niya ang tingin kay Justin, he looked so handsome in his dark gray suit.
“Napakaganda ng bride,” tukoy niya kay Keira na kausap niya kani-kanina lang.
Tumango lang ito.
“Ang ganda ng kasal nila, ano? Mukhang mahal na mahal talaga nila ang isa’t isa,” dugtong pa niya.
“Gusto mo rin ba ng ganoong kasal?” tanong nito.
Her eyes lit with surprise on what he asked. Hindi niya inaasahan na magtatanong ito ng ganoon. Sa loob ng halos tatlong taon nilang relasyon, ngayon lang ito bumanggit ng tungkol sa kasal. “G-Gusto mo akong pakasalan, Justin?” tanong niya.
Kumunot ang noo nito. “Bakit hindi?”
Napuno ng kasiyahan ang puso niya ng mga oras na iyon. Tumingkayad siya para gawaran ng halik ang mga labi nito. “I love you, Justin,” she whispered…
Tears began to flow from her eyes as she started to remember everything.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 3: Matthew AzcarragaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon