Chapter 12.4

3.3K 63 0
                                    


NAKAUPO siya sa sofa ng living room nila ng hapong iyon. Kanina niya pa hawak ang cell phone niya. Nakita niya nang pumasok sa loob ng bahay si Jamaica, kagagaling lang nito sa eskuwela.

"Anong ginagawa mo diyan?" tanong nito at umupo sa tabi niya.

"Hindi ko kasi ma-kontak si Matthew, noong isang araw pa. Hindi ko tuloy masabi sa kanya na naaalala ko na ang lahat," sagot niya.

Napailing ito. "Hello? Siguradong alam na noon, words travel fast, remember? Saka, malay mo, busy sa ospital. Nitong mga nakaraang buwan, ikaw na lang yata ang iniintindi niya. Oras na para maibigay niya naman sa iba niyang pasyente ang atensiyon niya."

"Ganoon?" nakaramdam siya ng lungkot sa sinabi nito. "Bisitahin ko na lang kaya siya, magpapasundo na lang ako kay Justin."

"Talaga?" nagtaka siya sa napansing tuwa sa boses nito.

"Bakit tuwang-tuwa ka?"

"Kung magpapasundo ka kay Kuya Justin, ibig sabihin iiwan mo dito ang sasakyan mo, right?" biglang umamo ang mukha nito. "Puwede ko bang hiramin? Please?"

"No way," tanggi niya. "Bigay sa akin iyon ni Matthew. Baka kung anong gawin mo doon. At eighteen ka pa lang, Jamaica. Wala ka pang lisensiya."

"Meron na, ikinuha ako ni Kuya Jerome ng student license," hirit pa nito. "Sige na naman, hindi naman ako lalayo."

"No," tutol niya. "Hindi mo ba natatandaan ang nangyari sa akin? Mapapagalitan ako ni Papa kapag pinayagan kita."

Naiinis itong napatayo. "Ang damot! Hihingi na lang din ako kay Kuya Matthew ng sasakyan, 'yong mas maganda kaysa sa'yo."

Umismid siya. "As if naman na payagan ka rin noon na mag-drive."

"Huh! Let's see," inirapan pa siya nito bago nagdadabog na umakyat sa itaas. Hindi niya na lang ito pinansin at tinawagan na lang si Justin para magpasundo.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 3: Matthew AzcarragaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon