Chapter 8.3

3.3K 60 0
                                    

NAKAUPO lang si Liezl sa tapat ng parking lot ng condominium ni Matthew, kanina pa siya naghihintay doon. Ayaw niyang pumasok sa loob ng unit nito dahil wala naman siyang magawa. Pasado alas-otso na ng gabi. Napatingin siya sa isang sasakyan na tumigil sa harapan niya. It was a brand new Volkswagen Convertible.
Nice car, she thought. Napatayo siya nang bumaba mula doon si Matthew.
“Liz, anong ginagawa mo dito sa labas?” bati nito.
Lumapit siya dito at tumingin sa sasakyan. “Bumili ka ng bagong sasakyan? Nasaan ‘yong isa mong sasakyan?” Ang alam niya ay bago din lang ang huli nitong sasakyan, isang black Koenigsegg CCX. Imported pa iyon galing sa ibang bansa.
“Naiwan ko sa ospital,” sagot nito habang inilalabas ang mga groceries na pinamili.
“Bakit mo iniwan? Kanino ‘to?”
Hindi siya nito sinagot hanggang sa mailabas ang lahat ng pinamili. Maya-maya lang ay may iniabot itong susi sa kanya. Gulat siyang napatingin dito.
Ngumiti ito. “That’s for you, nalaman ko kasi na sira daw ang sasakyan na ginagamit mo noon.”
Marahan siyang napailing. “Matthew, no… this is… this is too much,” muli niyang ibinalik ang tingin sa magandang sasakyan. “No way,” she mumbled. This car costs a fortune! Paano nito nagagawang ibigay lang sa kanya?
Tumawa ito at inilagay ang susi sa kamay niya. “It’s not, sweetie. That’s a gift from me, magtatampo ako kapag hindi mo ‘yan tinanggap.”
Tumingin siya dito, patuloy pa rin sa pag-iling. “Matthew—”
“Ssshhh,” putol nito sa sasabihin niya. “Tulungan mo na lang ako sa mga groceries dito, Liz. Pagod na pagod ako, buong araw akong nagbigay ng free check-up sa Laguna.”
Tumango siya at tinulungan ito sa mga groceries. Pagkapasok nila sa unit nito ay tinulungan niya rin itong ayusin ang mga iyon.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 3: Matthew AzcarragaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon