NAPANGANGA si Liezl sa laki at ganda ng mansiyon ni Matthew sa Tagaytay Heights. Moderno ang disenyo noon sa loob at labas, napapaligiran ito ng nag-tataasang coconut trees at nag-gagandahang mga flowering plants. Malamig ang simoy ng hangin at napaka-tahimik ng lugar. Dalawang caretakers lang ang sinabi ni Matthew na naninirahan doon at nangangalaga sa mansiyon.
Naglalakad-lakad siya sa kabuuan ng mansiyon hanggang sa marating niya ang isang malawak na terrace sa ikalawang palapag. Inilibot niya ang paningin sa kalawakan ng lupain na iyon, madilim na ang paligid at nararamdaman niya na ang malamig na hangin na dumadampi sa balat niya. Sayang naman ang lugar na ito kung walang nakatira, naisip niya.
Humawak siya sa railings ng terrace at ilang ulit na bumuntong-hininga. Ipinikit niya ang mga mata, naalala niya nang ipasyal muna siya ni Matthew sa Taal Volcano at sa iba pang sceneries ng Tagaytay bago sila pumunta dito sa mansiyon nito. Isa iyon sa pinaka-masayang parte ng buhay niya, ni hindi siya nakaramdam ng pagod sa pamamasyal na iyon. Tinuruan din siya nitong mag-horseback riding at ibinili ng mga souvenirs na nakikita nila. Ang sarap talaga nitong kasama, napaka-sweet nito. Ito na ang perpektong boyfriend para sa kahit kaninong babae.
Natigilan siya sa naisip. Boyfriend? Saan nanggaling ang salitang iyon? Ipinilig niya ang ulo para burahin iyon sa isipan. Pero bakit siya nito hinahalikan ng ganoon? Muli na naman siyang napailing. Hindi ba siya naman ang unang humahalik dito?
Impit siyang napasigaw nang maramdaman ang mga brasong yumakap sa kanya mula sa likod.
“Anong ginagawa mo dito?” bulong ni Matthew sa kaliwa niyang tainga. Mabilis na gumapang ang init sa buong katawan niya at hindi niya inaasahan ang muli na namang pagwawala ng puso niya.
Humugot muna siya ng malalim na hininga bago sumagot. “I want to get some fresh air,” nahalata kaya nito ang pangangatal ng boses niya? “W-Wala kasi nito sa Manila.”
“Hmm…” pagsang-ayon nito.
“Sayang naman itong mansiyon mo,” wika niya para lang magkaroon ng mapag-uusapan. Unti-unti na kasing nanlalambot ang mga tuhod niya sa nararamdamang init na nagmumula sa katawan nitong nakayakap sa kanya. “Mga caretakers mo lang ang nakatira.”
Bumuntong-hininga ito. “Balak kong dito tumira kapag nagka-pamilya na ako. Alam mo namang matagal ko ng pinangarap ang magkaroon ng isang malaking pamilya, hindi ba?”
Muli na naman siyang nakaramdam ng awa para dito. Mahirap siguro talaga para dito ang maging mag-isa sa buhay, ang maiwanan ng pamilya sa napaka-murang edad. Humahanga nga siya dito dahil nagawa pa rin nitong buhayin ang sarili at abutin ang mga pangarap nito sa buhay. Dahil ang ibang katulad din nitong nawalan ng pamilya sa murang edad ay napasama pang lalo ang buhay, samantalang ito ay nanatiling maunawain at mabait sa lahat ng taong nakapalibot dito. Ngumiti siya at umikot paharap dito. Hindi niya gustong makita itong nalulungkot, kung maaari nga lang niyang alamin ang makaka-pagpasaya dito at ibigay iyon ay gagawin niya.
“Can I eat some sweets?” pagbabago niya sa usapan. Gusto niya itong makitang ngumiti.
Ngumiti naman ito at umiling. “Can’t you live without sweets for a while?” tanong nito.
“Why, L can’t live without sweets, too,” tukoy niya sa paboritong character sa Death Note.
Hindi ito sumagot pero bahagyang inilapit ang mukha sa mukha niya. Awtomatiko namang pumikit ang mga mata niya nang maramdaman ang paglapat ng mga labi nito sa kanya. His lips gently pressed into hers and the tip of his tongue traced the outline of her lower lip.
She shivered and moaned as he slowly moved his lips away from hers. “Is that enough?” bulong nito.
Binuksan niya ang mga mata, unti-unting nagsi-sink-in sa isipan niya ang ibig nitong sabihin. Ngumiti siya at niyakap ito ng mahigpit. Ayos lang kahit hindi na siya makakain ng sweets sa buong buhay niya, sapat na ang mga halik nito.
![](https://img.wattpad.com/cover/160129426-288-k494555.jpg)
BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 3: Matthew Azcarraga
RomanceLiezl was very much contented with her life - having a stable job, a happy family and a perfect love life with her long time boyfriend na si Justin Aguirre. Idagdag pa ang best friend na laging nasa tabi niya para sumuporta, si Matthew Azcarraga, a...