ILANG araw lang ay nagagawa nang maglakad ni Liezl ng mag-isa. Natutuwa siya sa mabilis niyang recovery, dahil na rin siguro sa maayos na pag-aalaga ng mga taong naroroon. Kumakain siya ng mansanas habang nakaupo sa lounging area ng ospital, hinihintay niyang dumaan doon si Matthew dahil gusto niya itong kausapin. Miss niya na kasing kumain ng sweets, baka mapagbigyan siya nito kahit minsan. Agad niya namang natanaw si Matthew na papalapit. Mabilis siyang tumayo at kinawayan ito.
“Matt,” masiglang tawag niya dito.
Lumapit ito sa kanya. “Anong ginagawa mo dito?” isinabit nito ang hawak na stethoscope sa leeg.
“Naglalakad-lakad. Exercise, sabi mo,” ipinakita niya dito ang kinakaing mansanas. “I’m eating an apple, katulad ng sinabi mo.”
Ngumiti ito. “Very good. Anong kailangan mo sa akin?”
Nahihiya siyang ngumiti dito. “Puwede ba akong kumain ng chocolates? Kahit konti lang,” sagot niya.
Tumawa ito at umiling. “No, magtiis-tiis ka muna. Marami pa naman niyan kapag bumalik na ang alaala mo.”
Malungkot siyang napabuntong-hininga. “Paano kung hindi na bumalik ang alaala ko, hindi na rin ako makakakain noon?”
“You will regain your memory, Liz. Trust me,” he assured her.
“Matthew!” napatingin sila sa harap nang marinig ang pagtawag na iyon ng isang babae. Nakasuot ito ng mini-skirt at hapit na blouse, sa tingin niya ay foreigner ito. She was tall, sexy and pretty, parang isang modelo.
“Claire?” narinig niyang banggit ni Matthew sa pangalan nito.
Patakbong lumapit dito ang babaeng tinawag nitong Claire at agad na ipinulupot ang mga kamay sa leeg nito. Nagulat pa siya nang bigla nitong halikan sa mga labi si Matthew. Maging si Matthew ay nagulat sa ginawa nito, marahan nitong inilayo ang babae sa katawan.
“I missed you so much, Matt,” malambing na sabi ng Claire na iyon kay Matthew.
“What are you doing here?” tanong dito ni Matthew.
“I told you, I’m going to follow you here. I’ve talked to my Dad and he agreed to let me live with you here,” sagot nito bago ibaling ang tingin sa kanya. “Oh, one of your patients?” tanong nito kay Matthew.
Tiningnan niya ito. Naiinis siya sa mga kamay nitong animo’y sawang nakapulupot kay Matthew.
“Yeah,” Matthew replied. “Claire, this is Liezl. Liz, this is Claire, my ex-girlfriend.”
Ex-girlfriend? Bakit hindi naman yata iyon ang ipinapakita ng babaeng iyan? Gusto niya sanang itanong dito pero pinigilan niya na lang ang sarili.
“Matt,” malambing na tumingin ang Claire na iyon dito. “I think we should talk about it. Can we have lunch together? I really missed you so much. You’re not busy, right?”
Tumingin sa kanya si Matthew, alam niyang nagpa-paalam ito. “Babalik na lang ako sa kuwarto ko,” wika niya at iniwasang tumingin dito. “Maiwan ko na kayo,” iyon lang at lumakad na siya pabalik sa private room niya. Pagkapasok doon ay naiinis niyang itinapon ang hawak na mansanas sa basurahan at umupo sa kama. Naiinis pa niyang ginulo ang sariling buhok.
Humiga siya sa kama at nagtalukbong ng kumot. Hindi man lang talaga siya nito sinundan. Mas mahalaga siguro talaga ang babaeng iyon kaysa sa kanya. Ex-girlfriend? Mariin niyang ipinikit ang mga mata. Ano bang pakialam niya sa mga iyon?
BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 3: Matthew Azcarraga
RomanceLiezl was very much contented with her life - having a stable job, a happy family and a perfect love life with her long time boyfriend na si Justin Aguirre. Idagdag pa ang best friend na laging nasa tabi niya para sumuporta, si Matthew Azcarraga, a...