Chapter 5 - His POV

889 95 20
                                        

Nang gabi matapos nilang maglaban ni Mandie, hinatid siya ni Shawn sa bahay nila.  Pagdating niya ng bahay ibinalabag ni Jaybee ang katawan sa kama. Masakit ang mga pasa at sugat niya sa labi pero mas masakit ang dibdib niya.

Palagi namang ganito ang pakiramdam niya pagkatapos nilang magsparing ni Mandie pero hindi pa rin siya nasanay.  Bata pa sila ganito na sila pero noon, tinatawanan lang nila dahil madalas katuwaan lang talaga.  Noon nakukuha pa niyang pagpasensiyahan ang kababata kaya kahit ayaw niya papayag na lang siya sa gusto nito para  hindi na sila maglaban.  

Iba na ngayon, mas masakit ang bawat suntok at sipa ng dalaga. Ramdam niya ang galit at sama ng loob at alam niya siya din.  May kasama ng pait ang mga suntok and sipa niya.  Pilit niyang pinipigilan pero pinoprovoke siya nito.  Hindi alam ni Mandie na sa bawat sakit ng suntok at sipa niya ay dobleng sakit ang nararamdaman ni Jaybee.

Napabuntunghininga siya at bumulong sa hangin... "Why did we end up being this way Amy, why?"

Naalala pa niya ang pangakong ginawa niya noong 7 years old sila.  Pero kahit minsan hindi nila pinagusapan yon.  Sila ni Mandie, hindi sila magkaibigan. Magkaiba sila ng barkada. Kaya lang sila nagkakasama dahil kaibigan niya si Shawn at pinsan naman ito ni  Mandie.  Hindi katulad nila Jonas kapatid ni Mandie at ni Jeanie ang kapatid niya.  Since bata pa sila lagi silang magkasama sa lahat ng bagay at kapag tinanong mo sila sinasabi nila that they are best of friends. Pero sila ni Mandie, hindi sila nagkaroon ng panahon para maging close.

Pero para bang minana nila ang pagiging magkaibigan ng kanilang mga magulang. Kahit pa kapag may okasyon lang sila nagkakasama. May regalo sila sa isa't isa kapag pasko o birthday dahil yon ang itinuro sa kanila ni Baste at Maya. 

Kahit hindi sila close at hindi sila nagtuturingan magkaibigan.  Alam nilang magkababata sila at sa bawat birthday party ay isinasayaw niya si Mandie dahil lahat ng anak ng mga kaibigan ng magulang nila ay ginagawa yon.

Noong ngang ipakilala niya si Mandie sa mga kaklase niya ng minsang magkita sila sa mall ang pakilala niya dito ay... "si Mandie Pinsan ng bestfriend kong si Shawn."   At nung ipakilala naman siya ni  Mandie sa mga kaklase nito... "Inaanak ni Tatay o kaya bestfriend ng cousin ko."

Kaya wala silang history pero kinalakihan na nila ang isa't isa.  

Ang hindi alam ng marami na ang pangakong binitawan ni Jaybee nung pitong taon siya ay mahalaga sa kanya. Dahil yung araw na nagkakilala sila yon lang sila naging close ni Mandie.  Hindi makalimutan ni Jaybee na ito ang nagkusang loob na nakipagkilala sa kanya at isinali siya sa laro ng mga pinsan nito na naging mga kabarkada naman niya.  Dahil mahiyain siya hirap siyang makipagkaibigan kung hindi dahil kay Mandie hindi niya magiging kaibigan sila Shawn at tinatanaw niyang utang na loob yon. Nakita ng batang puso niya ang magandang ugali ni Mandie. Simula noon gusto na niya ito at  lihim na itinangi ng puso niya.

Narinig na niya ang pagpasok ng sasakyan ng Papa niya sa garahe.  Patay na naman siya.  Siguradong masesermunan na naman siya.  Masasabon na naman siya ng walang banlawan nito.  Tumayo siya at pumasok sa banyo, hinubad ang damit at naiwan na lang ang boxers at tumapat sa shower. Nang lumabas siya na nakatapis ng tuwalya, naroon na sa kwarto niya ang Mama niya at hawak ang first aid kit at ice bag.

Janine:  Put on some clothes and I will put medicine on that lip of yours.

Jaybee:  Okay Ma.  Galit si Papa, I know... kaya you are here to make sure I am alright.

Janine: Son, why do you have to fight with Mandie every time.  She's a girl... at ang babae...

Baste:  Ang babae minamahal hindi sinasaktan!  How many times do I have to tell you to be gentleman enough to back down.

Astig  II (The Promise)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon