Nang gabing yon sa kwarto ng mga boys, tahimik na nakahiga sa kanyang kama si Jaybee habang hinihintay matapos maligo at magsipagbihis ang mga kasama para sabay-sabay na silang pumunta sa kanilang dinner.
HIndi mawala sa isip niya ang hapon na yon... yung nangyari sa Sand Bar... yung halik sa pisngi. Nahaplos niya ang parte ng pisngi kung saan dumampi ang labi ni Mandie at bumalik sa ala-ala niya yung first kiss nila at ang nasa isip niya... "kahit sa pisngi , it felt that her lips is softer than before." Hindi niya mapigil ang mangiti sa isiping yon. Kaya nagulat siya ng tumama sa mukha niya ang isang unan.
Ian: Hoy ano na namang nginingiti mo dyan.
Ibinato niyang pabalik at sapul sa mukha si Ian.
Jaybee: Nothing! Will you just finish your bath, gutom na ako! Ang tagal ninyo!
Ian: Ganon... nothing pala ha. Shawn, si Jaybee nababaliw na ngumingiting magisa.
Lumabas ng banyo si Shawn, siya namang pasok ni Ian.
Shawn: Hindi yan nababaliw alam ko na yan... ano ba lover boy nakausap mo na ba?
Isinubson ng Jaybee ang mukha sa unan.
Shawn: Kinikilig ang potah! Hoy! kahit anong tago inilaglag ka ng tenga mo! Nagkukulay makopa na naman sa pula yan! Yun naman hindi ka na Torpe!
Biglang lumabas si Ian ng banyo, basang basa at may sabon pa.
Ian: Ano nagsabi na? AYOS!
Jaybee: Ian, your soaking wet, go back inside STUPID!
Ian: Ay sorry naexcite ako!
Si Ice naman, hindi maayos na maisuot ang shorts dahil sa kakamadali. Natumba tuloy.
Tawa ng tawa si Jaybee. Naiiling siya sa reaksyon ng mga kaibigan.
Jaybee: What the... calm down boys mas excited pa kayo sa akin eh!
Shawn: Ang tagal naming hinintay 'to no! Ikaw na lang kasi ang hindi pa nagkakaron ng babae sa buhay. Well hindi counted si Vivien syempre dahil feelingera lang naman yon.
Ice: Teka, teka so anong reaction? Nagalit ba?
Jaybee: No, I think she didn't mind. She seemed to want to tell me something pero I told her, she didn't have to answer kasi wala naman akong itinatanong. It is enough for me that she knows how I feel. Tapos...
Ice: tapos ano?
Shawn: ano nangyari?
Ian: THEN WHAT HAPPENED? (shouting from inside the bathroom)
Jaybee: Nothing!
Shawn: Gago mo! Anong wala hindi mo sasabihin na she didn't mind kung wala siyang sinabi o ginawa.
Jaybee: Wala nga!
Ice: Shawn, pigilan mo ako dadagukan ko to.
Jaybee: Bro, pwedeng akin na lang yon. You know how private Mandie is. I don't want her to think na kiss and tell ako eh. Ang lalakas pa naman ninyong mangalaska. Basta I am sure of it. She liked what I told her because I got a positive response.
Lumabas si Ian na nakatapis ng twalya.
Ian: Ah alam ko na yan. Yung may mga pakiss and tell explanation na yan. Ibig sabihin nakakiss na yan o nakakuha na ng kiss.
Nagkibit balikat lang si Jaybee sabay tayo at takbo sa labas.
Jaybee: Bilisan ninyo, mauuna na ako gutom na gutom na ako eh.
BINABASA MO ANG
Astig II (The Promise)
RomanceSi Jaybee at si Mandie parehong Astig sa kanya-kanyang larangan. They know each other but they don't treat each other as friends. Wala silang history pero palaging nagkukrus ang kanilang daan. Pagkakataon, tadhana o coincidence ba? Ang iisang ba...