Chapter 50 - Proving Love

1.1K 106 23
                                        

Isang linggo na simula ng magkaayos sina Jaybee at Mandie. Araw-araw silang halos maghapon na magkasama. Magkasabay na nagaagahan. Tapos pinanonood niya na tinetherapy ni Enrico si Jaybee , sinasamahan niya si Jaybee na maglangoy sa dagat hanggang mga ika-sampu ng umaga. Maghihiwalay lang sila para gawin ang ilang mga trabaho nila pagdating ng ika-tatlo ng hapon pinupuntahan naman ni Jaybee si Mandie sa Bed & Breakfast at dinadalhan ng meryendang niluluto ng Nanay ni Echo. Magpapaalam ito para pumunta sa Beachville tapos babalikan si Mandie para manood ng sunset sa beach at magdidinner sila sa labas.

Sa bawat paglabas nila... laging naglalambing si Mandie na magpapicture sila para daw may madagdag sa mga litratong nasa kwarto sa B&B. Lagi naman itong pinagbibigyan ni Jaybee. Katulad ng gabing yon... naghapunan sila sa isang seafood restaurant at nagpapapicture sila at ipinopost ni Mandie sa kanyang instagram.

Ang sweet ng picture nila. Ipinakita niya ang isang malaking lobster na kasing laki ng isang dangkal ni Jaybee. Ikinalong siya ni Jaybee at iniyakap ang dalawang braso sa kanyang katawan habang ang isang kamay ay nakadangkal at nakatabi sa lobster na hawak ni Mandie. Amazed silang pareho at nakatawa sa litrato. Nilagyan yon ng caption ni Mandie na "He's my Lobster". Ilang sandali lang ay marami ng naglike at nagcomment sa kanyang instagram post.

Matapos nilang kumain ng nakakamay, sabay na nagpunta sa lababo ang dalawa para maghugas ng kamay.

Mandie: Una ka na sa table natin, magCR lang ako.

Jaybee: Okay, oorder ako ng dessert ha.

Mandie: Okay sige.

Pagbalik ni Jaybee sa lamesa nila, tumutunog ang cellphone ni Mandie. Dinampot yon ni Jaybee at tinignan kung bakit tumutunog. Nakita niya ang mga notifications na may mga comment ang intagram post ni Mandie. Nang makita niyang litrato nila ang ipinost nito, hindi niya napigilang basahin ang mga comment

Maraming mga magagandang comment mula sa mga ka-close nila na Officers ng R&J Capili. May nagsabing "bagay talaga kayo". Merong nagcomment ng "R&J Royalty finally together". At kung ano-ano pa katulad ng "Wishing you both a love for life"; "Sana next post engagement pic na." ; "Wedding pics naman." Nagcomment din si Jeanie ng... "Happy for both of you... ang sweet niyo." Comment ni Jonas..." Nice Ate, uwi kayo ni Kuya soon."

Pero meron din namang hindi masyadong magaganda tulad ng post no Chloe..."true bagay pero sana hindi lang bagay ... consistent din". Comment ni Shawn... "Sana lang totoo na yan." At ang comment ni Julia... "The Lobster as quoted from Phoebe of Friends Series? Wherein Lobsters mate for life? Kilig much sana kung true kaso truth is Lobsters do have a monogamous bond, but it only lasts for two weeks."

Napasimangot si Jaybee. Ipinatong na lang na muli sa lamesa ang phone ni Mandie. Nasaktan siya, dahil yung mga taong akala niyang nakakaalam kung gaano niya kamahal si Mandie. Yun ang mga hindi na naniniwala sa kanya. Kaya imbes na umorder ng dessert ay hiningi na ang bill at binayaran. Kaya ng makita nitong pabalik na sa lamesa si Mandie, tumayo na ito.

Mandie: Oh akala ko you want dessert?

Jaybee: Wala akong magustuhan eh. Sa B&B na lang tayo, namiss ko na yung mango cheesecake mo eh.

Mandie: Awww, you love your own talaga.

Jaybee: Syempre naman, it is the best tasting cheesecake I've ever had.

Yumakap pa si Mandie sa bewang ni Jaybee , dinampot ang kanyang cellphone at naglakad na sila palabas ng restaurant. Pagdating sa B&B, inihatid lang ni Mandie si Jaybee sa couch na nakaharap sa dagat sa loob ng lobby ng B&B at kumuha ng dalawang tasa ng tea at ang isang slice ng cheesecake.

Astig  II (The Promise)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon