Chapter 6 - Not so naive after all

924 83 8
                                        

Dumating ang araw ng  Summer Company Outing ng R & J Capili Realty  Corp.  Isang Biyernes ng madaling araw... dalawang Aircon Bus na nirentahan  at  ang dalawang coaster shuttle bus ng kumpanya  na 30 seater ang nakaparada sa  parking area ng building ng kumpanya.

Ang dalawang bus ang sasakyan ng mga empleyado, ang isang coaster sasakyan ng mga Manager at ang isa pang coaster ang sasakyan ng  Board Members at ng kanilang pamilya.  Sa unang coaster sumakay  ang magasawang Frank at Sabrina Benitez ang grandparents ni Chloe ang kanyang pamilya.  Ganon din  si Mr. Alfonso at Zenaida Chua ang magulang naman ni Julia na pawang mga Board Members.  Doon din naka assign na sumakay si Mr. Fritz Stevens ang tinaguriang panabla ng Board Members at Lolo ni Vivien. 

Sa pangalawang coaster naman sumakay si Peter at Victoria Estanislao ang magulang ni Kit at ang pamilya nitong sila Irene, Ian at Keith. Doon din sumakay ang pamilya nila  Baste at Janine kasama si Jaybee at Jeanie.  Naroon din si Ricardo, Rodrigo at Berna kasama ang mga apong sila Shawn at  Regina ang mga anak ni Robby at Sheryl. Ganon din si Mandie, Jonas at ang kambal nila Joax at Maya na sila RJ at JR. Naroon din ang pamilya ni Isagani na Sales Manager ng Kumpanya, na sila Grace, Ice at Eliza.

Nagkumpulan sa pinaka dulong upuan ang mga kabataan. Magkakatabi sa upuan sila Keith, Jonas, Jeanie, Regina at Eliza na pare-parehong may hawak na mga Ipod Touch at naglalaro.  Katabi nila ang Yaya ni  RJ nasa unahan naman nito nakaupo si JR katabi ang Yaya. Nasa tapat naman nila si Ricardo at Rodrigo at nasa unahan nito si Berna at bakante ang tabi nito.  Katapat si Robby at  Janine. Katapat ang kinauupuan nila Maya at  Joax  sa bandang gitna. Bakante din ang upuan sa unahan nila Joax at Maya.  Nasa bandang unahan naman ang tropa ni Jaybee  katabi niya sa upuan si Shawn at nasa tapat nila si Ice at Ian.  Huling sumakay si Mandie, hawak ang kanyang clipboard dahil lagi ng sumasali ito sa committee na nagaayos ng Summer Outing nila.

Mandie:  Lolo Daddy, may kulang pa po yung  Bus number 2 eh.  

Ricardo:  Okay lang Darling at least we still have time to check our things. Joaquin... isipin ninyong mabuti baka may nakalimutan.

Joax:  Ahm, Robby naisakay ba yung mga tent?  And kids did you all bring your tents?  The first night is at a camping resort.

Robby:  Hindi ko isinakay, sandali icheck ko kay Gani. Bumaba si Robby sumunod naman ang mga boys dahil pare-pareho silang walang dala.

Jeanie: Ate Mandie, did you bring your tent pa-share ako.  Kasi magkashare na sila Regina and Eliza eh.

Natatawa si Ricardo... natutuwa siyang ang mga kabataan ay lumaking mga cowboy at hindi maarte kahit pa ang kanyang inglisera at paboritong apong si Mandie ay walang kaarte-arte sa katawan.

Mandie:  Of course we can share, let me go get it. Na-forgot ko kasi at first sabi hindi na tuloy yung first night camping eh.

Bababa na sana si Mandie pero nagkasalubong na sila ni Jaybee sa may pinto ng coaster at bitbit na nito ang sariling tent at ang tent ni Mandie.

Jaybee:  I got your tent here...

Napangiti ang mga nakarinig. Proud na proud naman si Baste at Janine sa anak.  Napangiti si Don Ricardo, ang nasa isip... "maasahan at napakagentleman talaga ng batang ito."

Tsaka inilagay ni Jaybee ang mga tent sa ilalim ng mga upuan.  

Mandie:  Thanks...

Bago pa nasundan ni Mandie ang sasabihin maingay ng paakyat ng coaster si Shawn.

Shawn:  Mommy, ang bigat naman nito eh.  Pinadala mo na sa akin lahat papano itinali mo yung apat na tent natin together.

Natatawa si Sheryl... tinulungan na lang ni Jaybee ang kaibigan.

Astig  II (The Promise)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon