Chapter 54 - Pagkakataon

870 96 19
                                        

Sa kabilang banda ng hapon ding yon ng mga oras na naghihintay si Jaybee na dumating si Mandie ay kasalukuyang nangangapa ang dalaga sa daang itinuro sa kanya ng kausap niya sa Bahong Flower Farm.  Narating niya ang dalawa pang flower farm na sinabi nito pero naligaw na siya ng hanapin niya ang daan pabalik sa Haven Village.  Mabagal ang andar ng kanyang sasakyan kaya madali siyang naharang ng dalawang lalaki.  Bigla niyang naipreno ang sasakyan. Nakita niya  ang isang lalaking kalbo na lumapit sa may bintana sa gilid niya at ang isang lalaking puro tatoo sa braso ang nakaharang sa harapan ng kotse. Bahagya siyang nagulat

Lalaking kalbo:  Tulungan ninyo kami parang awa niyo na may humahabol sa amin.

lalaking may tatoo : Miss sige na pasakay na kami kahit sandali lang makalayo lang kami ng konti okay na.

Kinutuban na agad si Mandie.

Mandie: Pasensya na ho nagmamadali ho kasi...

Hindi na niya natapos ang sasabihin. Dahil  bumukas  ang pinto sa  likuran at sumakay ang lalaking namumula ang mga mata at amoy alak at tinutukan siya ng cutter sa leeg.  Ganon din ang lalaki sa kanyang gilid itinutok ang isang ice peak sa kanyang sintido.

Bahagyang kinabahan si Mandie, pero kalmado.  Sa tagal niya sa serbisyo hindi na siya basta natatakot sa ganoong sitwasyon pero alam din niyang hindi siya kailangang kakitaan ng tapang. Naisip din niya sa pagkakaupo niya wala siyang ibang magagawa kung hindi ang makisakay sa agos ng pangyayari.  Kaya binago niya ang bose at muling nagsalita na para bang ninenerbiyos at natatakot.

Mandie:  Parang awa na ninyo huwag ninyo akong sasaktan.  Ihahatid ko kayo kahit saan huwag lang ninyo akong sasaktan.

Sumakay ang lalaking may Tatoo sa tabi ni Mandie.  Pilit na kinalma ni Mandie ang sarili pero nanlaki ang mata niya ng  matignan ng maigi ang lalaki sa likuran... Huli na ng mapansin niyang uniporme ng isang preso ang suot ng  lalaki. 

Lalaki sa likuran:  Panyong sakay na bilisan mo. 

Idiniin ng lalaki ang cutter sa leeg ni Mandie. Sumakay ang lalaking  tinawag na Panyong sa likuran ni Mandie.

Lalaking puro tatoo: Bruno, umiskapo na tayo!

Bruno:  aabante ka o gigilitan ko ang leeg mo?

Walang nagawa si Mandie kung hindi sundin ito. Sa tinagal niya sa pagiging agent alam na alam na niyang walang idudulot  na maganda ang pakikipagtalo sa mga ito lalo na at may hawak ang mga ito ng patalim at nasa harap siya ng manibela.  Kaya tahimik lang siyang nagmaneho at pinipilit na hindi gumalaw para hindi masugatan ang leeg niya. Makalipas ang halos dalawampung minuto patuloy ang pagaret ni Mandie na natatakot at nakiusap sa lalaki.

Mandie:  Mama, parang awa mo na ibaba mo na yan nahihirapan akong magmaneho eh.  Mahal ko pa ang buhay ko kaya susundin ko kayo.  Ihahatid ko kayo kung saan ninyo kailangang pumunta basta parang awa na ninyo huwag ninyo akong sasaktan.

Waldo (lalaking may tatoo):  Bruno, alisin mo na yan ako na ang bahala.  Baka lalo tayong hindi makalayo at atakihin ng nerbiyos yan.

Nanlilisik ang mapupulang mata ni Bruno na tiningnan si Mandie saka dahan-dahang inalis ang cutter sa pagkakatutok sa leeg nito. Itinutok naman ni Waldo ang hawak na patalim sa tagiliran ni Mandie.

Bruno:  Waldo, kapag pumalag yan ikaw ang mananagot sa akin.

Waldo:  Oy Miss. Umayos ka baka malubak tayo eh maidiin ko itong kargada ko sa tagiliran mo. Ayusin at bilisan mo ang pagmamaneho.

Panyong:  Hayaan mo na Bruno mabuti nga natyempuhan natin ang babaing ito kung hindi baka nasakote na tayo.

Bruno:  'Tangina talaga! Dapat  napatay ko ng lahat ang mga hayop na yon lalo na yung mayabang na si Warden Lontoc! Gigil na gigil ako inawat pa ninyo ako eh.

Astig  II (The Promise)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon