Ilang araw na ang lumipas... araw-araw na pumapasok sa La Casa si Mandie na matamlay at laging walang imik. Lalo itong nalungkot ng hindi dumating sa meeting sa R&J Development si Jaybee. Sinubukan tawagan ni Jeanie at Shawn pero nakasarado ang cellphone nito at wala din sa opisina nito.
Nang matapos ang meeting personal na kinausap ni Joax ang kanyang anak.
Joax: Mandie, may problema ba kayo ni Jaybee?
Mandie: It's just a small argument Papa. It's something that we can easily resolve if we really want to. Don't worry about it.
Joax: I am not the one who is worried, your Mom is. Ilang araw ka na kasing tahimik at matamlay.
Mandie: I am okay Papa. I'm just sad about him leaving the country.
Joax: Leave the country?
Mandie: He's preparing for a two month Asian trip and a three months European trip po.
Joax: Aalis siya ng hindi kayo nagkakaayos?
Mandie: What can I do kung ayaw niya akong kausapin?
Joax: How childish can both of you be? Hindi na kayo teenager dapat nga pinagaawayan na ninyo kung anong motiff niyo sa kasal.
Mandie: You can say it's something like that Papa.
Iiling-iling na lang na inakbayan at niyakap ni Joax ang anak.
Joax: You want my help? Do you need me to bring him out for you. I can talk to Baste about it.
Mandie: No na lang po... lalo lang siyang magagalit sa akin if he finds out that I talked to you about our misunderstanding. Baka isipin pa niya nagsusumbong ako.
Joax: Fine, but you know I love you and kahit pa boto ako kay Jaybee I still don't want to see my daughter sad more so hurt.
Mandie: I know Papa, you know Jaybee will never hurt me intentionally. It's also my fault so don't worry. I'll make lambing na lang am sure he'll talk to me.
Sinabi na lang ni Mandie yon para hindi na magalala pa ang ama pero hindi siya siguradong kaya pang madaan sa lambing ang ikinagagalit ng kasintahan. Dahil ayaw niyang makita pa ng magulang ang lungkot niya binaybay niya ang daan patungo sa mansyon ng kanyang Lolo Ricardo.
Pagparada ng kanyang sasakyan sa garahe ng matandang mansyon nakita niyang nasa garden ang kanyang Lolo Ric at Lolo Rod.
Ricardo: Oh Hija, mabuti naman at naalala mo kaming dalawin.
Mandie: Pasensya na po Lolo Daddy. Medyo busy with work.
Humalik at yumakap ito sa dalawang matanda.
Mandie: Hmmm wine na naman yang kaharap ninyong dalawa, did you drink your medicines na ba?
Rodrigo: hay naku Ricardo ang apo natin hindi pa rin nagbabago.
Ricardo: Oo nga eh, apo don't worry about us, mahigpit ang nurse namin eh.
Mandie: Where is Lola anyway?
Rodrigo: Nandon sa kusina at nagluluto, mabuti pa tulungan mo na nga at ayaw naman magpatulong sa amin.
Mabilis namang tumalima si Mandie at pinuntahan ang kanyang Lola Berna sa kusina. Nawili siya sa pagtulong dito sa pagluluto ng kanilang hapunan. Magkasama silang naghain ng kanyang Lola at magkakasamang kumain ng hapunan. Nasa kalagitnaan ng kanilang pagkain ng may mapansin si Berna.
Lola Berna: Teka nga pala, bakit magisa ka yata ngayon. Kadalasan kapag nagpupunta ka dito kasama mo si Jaybee ah bat wala siya ngayon?
Mandie: Ahmm, Lola he's just busy.

BINABASA MO ANG
Astig II (The Promise)
RomanceSi Jaybee at si Mandie parehong Astig sa kanya-kanyang larangan. They know each other but they don't treat each other as friends. Wala silang history pero palaging nagkukrus ang kanilang daan. Pagkakataon, tadhana o coincidence ba? Ang iisang ba...