Sa limang araw ng paglalagi nila sa mansyon, walang naging problema sila Mandie at Jaybee. Dumaan ang bawat araw na masaya. Hindi sila nahirapang makitungo at alagaan si Becca.
Hanggang sa araw na yon ng Biyernes, maagang umuwi si Jaybee dahil maaga namang natapos ang kanyang meeting sa labas at ipinasya na niyang dumerecho ng uwi sa mansyon at yayayaing kumain sa labas si Mandie at Becca.
Dinatnan niya sa salas si Becca na nasa ilalim ng isang kumot na nakatali ng parang bubong.
Jaybee: Hi Becca, anong nilalaro mo bakit parang may bubong diyan?
Becca: Kuya, nagbabahay-bahayan po kami. This is my house. Si Yaya ang bahay niya yung maid's room, tapos si Nanay Linda yung kitchen. They are my neighbors and I am a Doctor.
Jaybee: Hindi kasali si Ate Mandie? Where is she?
Becca: Kasali po, si Ate ang Mama ko po pero sick po kasi siya kaya nandito siya oh nagre-rest. Bahagyang umusog si Mandie para makita siya ni jaybee.
Napabungisngis na lang silang dalawa ng magkatinginan.
Mandie: Hindi makakaluto si Ate Linda sa kusina at hindi makakatapos sa paglalaba ng damit niya si Iris kapag hindi naman ginawa ito.
Jaybee: Ah okay...
Becca: Kuya sali ka sa bahaybahayan namin.
Jaybee: Ahm, so ano naman ako neighbor din? ang bahay ko sa dining area?
Becca: Hindi po, ikaw po ang Papa ko kasi dapat di ba complete ang family? May Mama, Papa at Baby. Kaya ako po yung big na baby ninyo.
Jaybee: Okay, anong gagawin ko? Papasok pa ako sa bahay natin para maalagaan ko si Mama mo na sick?
Becca: Hindi po, kasi ako nga yung Doctor kaya ako na maggagamot sa kanya. Ikaw po doon ka sa dining yun ang office mo. Papa ikaw kaya dapat nagwo-work ka kasi day time pa po.
Jaybee: Okay sige dito na ako sa dining. Dinalhan naman ni Linda ng kape si Jaybee.
Becca: Nanay Linda, bakit mo po nibigyan ng coffee si Papa ko?
Linda: Kasi bumili siya eh, may tindahan ako di ba katulad nung store dyan sa neighbor natin.
Becca: Ay oo nga dapat may tindahan tyaka nagiinom ng coffee ang Papa parang si Papa Robby.
Nilagyan ng bimpo ni Becca sa noo ang nakahigang si Mandie.
Jaybee: Hindi pa ba magaling yang Mama mo? Baka kailangan dalhin sa hospital?
Becca: Hindi po Papa, kasi magaling akong Doctor just like my Doctor kaya nga nasa house lang po ako kahit na sick ako kasi magaling si Doctor Pogi.
Jaybee: Oo nga naman.
Becca: Papa, huwag mo po akong nikakausap kasi nga malayo kunyari yang office mo sa house natin.
Napabungisngis si Mandie. Narinig ni Becca yon.
Becca: Mama, sick ka nga dapat hindi ikaw nantatawa dapat para ikaw may pain dito sa chest dapat sad ka. Ako nga nasasad at nagcacry pag sakit yung chest ko eh.
Mandie: Baby masakit ba ang chest mo ngayon?
Becca: Ate kunyari lang example lang yon sakit chest kasi di ba kunyari sick ka?
Mandie: Ay oo nga ano ba naman.
Napabungisngis si Becca. Patuloy sila sa kanilang paglalaro halos isang oras din silang nakipaglaro lang kay Becca. Hanggang sa bumagsak ang malakas na ulan. Nagulat si Mandie at napatayo ng maalala ang mga nilabhan.
BINABASA MO ANG
Astig II (The Promise)
RomanceSi Jaybee at si Mandie parehong Astig sa kanya-kanyang larangan. They know each other but they don't treat each other as friends. Wala silang history pero palaging nagkukrus ang kanilang daan. Pagkakataon, tadhana o coincidence ba? Ang iisang ba...
