Chapter 57 - Her Doubts

917 75 8
                                        


Masaya ang naging relasyon ni Jaybee at Mandie. Kung titignan mas lumalim pa ang pagsasamahan nila. Magkasama sila sa halos lahat ng oras sa hirap man o ginhawa. Lahat ng problema ng kani-kanyang pamilya ay alam nila at hinaharap nila ito ng magkasama.

Importante kay Mandie ang pamilya tulad ng  kanyang Inang si Maya.  Basta masaya at walang may sakit sa pamilya ay masaya na rin siya. Alam niyang ang pagmamahal ang bumubuo sa kanilang pamilya.

Kaya naiintindihan niya kung bakit simula ng magbinata at magdalaga ang mga kapatid niya at pamangkin ay sa mansyon na ng mga Capili sa Ayala Alabang tumira ang kanyang Lola Berna.  Kahit walang relasyon si Ricardo at Berna, pinakiusapan kasi ni Ricardo na tumira sa mansyon kasama si Rodrigo bilang magkakaibigan at magkakapamilya. Gusto daw nilang bumawi sa kanya at sa kanyang Tatay Nuel.  Alam naman nilang lahat na ang pagmamahal ng kanilang Lolo Ricardo kay Lola Berna at sa kaibigan at halos kapatid na nitong si Rodrigo ay hindi na mawawala pa.  Alam din ni Jaybee at naiintindihan niya ang lahat ng ito.

Hindi din lingid kay Jaybee ang tungkol sa espesyal na pamangkin ng kanyang nobya... na si Becca.  Dahil nga hindi na inaasahan na mabubuntis pa si Sheryl sa kanyang menopausal year, umiinom ito ng alak, naninigarilyo  ng mga unang buwan ng kanyang pagbubuntis  at ang bata nagkaron ng mga sakit.  Mahina ang baga nito at ipinanganak na mabilis lumaki ang puso.  Nasa idad na labingdalawang taong gulang na ito pero ang isip ay parang sa anim na taong gulang pa lang.

Baby pa lang ito ay sinabi na sa kanilang bawat taon na dadaan sa buhay ng bata ay isang malaking milagro at sobrang swerte ng mabuhay ito ng labing dalawang taon. Hindi kinaya ni Sheryl na tanggapin ang kapalaran ng kanyang bunso kaya nagpasya si Rod at Berna na sila ang magalaga dito simula ng ito'y ipinanganak para hindi ito mapalapit sa kanyang pamilya. Ganon pa man si Sheryl hindi pa rin nawala ang pagaalala at pagmamahal sa anak.

Hanggang sa mapagdesisyunan na lumipat  sa matandang bahay ang pamilya ni Sheryl dahil si Shawn at Alex naglive-in na sa bahay nila sa Havensville. At para din daw malapit sila kay Becca dahil ito ay labingdalawang taong gulang na.  Si Sheryl naging malulungkutin dahil laging nasa isip na baka ano mang oras ay kunin na ng Diyos ang kanyang bunso.

Isang gabi nagtungo si Maya sa  bahay nila Sheryl para kausapin ito at mapagpayuhan.  Nasa garden si Sheryl at Robby kasama si Becca at nagcocoloring book sila. Pinipilit ni Sheryl at Robby na umuwi ng maaga mula sa opisina para makasama si Becca sa araw- araw.

Maya:  Hi Becca!

Becca:  Tita Maya! 

Sigaw nito sabay tumakbo palapit kay Maya at pilit kumarga na akala mo naman ay mabubuhat siya ni Maya sa laki niyang yon.

Maya:  Wow, Becca! Big girl ka na pala, your so heavy na hindi ka na kaya ni Tita Maya.

Bumungisngis itong parang anim na taong gulang na bata na nasa katawan nga labingdalawang taong gulang na batang babae.

Becca:  May pasalubong ka po sa akin?

Maya: Of course I brought you cupcakes!

Becca:  Yehey!  Mama look I have many cupcakes.

Sheryl:  Wow, nagthank you ka ba.

Becca: Ano ba yan! I forgot masaya po ako eh. Thank you po Tita Maya

Sabay halik at yakap sa kanya.

Becca:  You're welcome darling.

Sheryl:  Sa yo ba lahat yan?  Mauubos mo ba yan?

Becca:  Yes po Mama this is mine pero po I'll save some for  Ate Jeanie and Ate Regie. 

Robby: Sila lang?  Pano si Papa?

Astig  II (The Promise)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon