Chapter 34 - On the Job

929 105 22
                                    

Kinabukasan, lulan ng kanyang Lexus sakay ni Jaybee si Mandie sa passenger seat papunta sa bahay ng Lolo nito sa Forbes. Nakasunod sa kanila si Matrix at Alex sakay ng CRV na ipinagamit sa kanila ni Mr. Ledesma para daw may sticker na.

Pagpasok ng gate ng Forbes nauna na sila Alex.

Jaybee: Do they know where the house is?

Mandie: Mr. Ledesma texted the details to Chief Marco nauna sila to make sure that the parameters and location itself is clear.  We don't want to take chances. We lost some men and clients dahil basta lang nagpasukan sa location ng hindi chinecheck, kaya we are really careful. In situations like this especially when money is involve we trust no one. Not even the relatives of the client.

Pagtapat nila sa gate... Bukas na ito at nasa garahe na ang sasakyan nila Alex. Nagthumbs up pa ito.  Nagpark na si Jaybee. Paghinto bumaba na si Mandie. 

Alex:  It's clear.

Lumabas sa main door ang mga tauhan ng mansyon. Humelera sila bago pumasok ng pinto at bumati.

All: Good morning Sir! Mam!

Jaybee: Good Morning. Katulad ng nasabi na sa inyo ni Lolo may death threaths para sa akin kaya dito muna ako titira. Kasama ko sila... I think you all know Mandie.   Pero kilala siya bilang si Agent Ada at ito ang mga kasama niya... si Agent Matrix and Agent Alex nasa Security Force sila. Sila ang magbabantay sa atin. Igalang, alagaan at pakisamahan ninyo silang mabuti.  Naiintindihan ninyo? Maaring may mga iimpliment silang rules na dapat ninyong sundin para sa kaligtasan natin, okay?

All: Opo Sir!

Jaybee: Eto si Manang Veron ang Mayordoma at labandera, si Nanay Lagring ang Cook, si Andrea ang Secretary ni Lolo, si Tatay Ben ang katiwala, kaibigan at hardinero. O bakit kulang kayo? 

Tumatakbong humahangos ang isang binata, mas bata lang ng isa o dalawang taon kay Jaybee.

Jong: Kuya Jaybee sorry kakatapos ko lang maligo dadating daw kse si Crush baka maamoy na naman ako.

Jaybee: Eto si Jong anak ni Tatay Ben  ang Driver at Gwardiya dito.

Matrix: Magandang Umaga po.

Alex: Nice to meet you po

Lumapit sa mga ito si Mandie at nagmano...

Mandie: Kamusta po kayo Tatay Ben, Nanay Lagring?

Ben: Ikaw na ba si Amanda?

Mandie: Opo

Manang Veron: Dyosko ay kagandang dalaga!

Yumakap ito kay Mandie gayon din si Yaya Nilda.

Yaya: Oo nga nung huling makita ka namin katorse anyos ka lang yata ngayon ang tangkad mo na.

Yumakap at ngumiti lang din sa kanila si Mandie.

Manang Veron: Tuloy kayo at ng maipakita na namin ang kwarto ninyo.  Jong tulungan mo si Mam Alex and Mam Amanda sa gamit nila.

Lumapit si Jong para kunin ang maliit na maleta ni Mandie. 

Mandie:  Mukhang mabango ka na hindi na amoy nalipasang paksiw ni Nay Lagring.

Nanlaki ang mata ni Jong... 

Jong:  Amy?  Ikaw si Amandang siga ng batalan?

Mandie:  Bwiset ka talaga!

Niyakap ito ni Mandie.  Yumakap din ito ng mahigpit, binuhat at inikot pa nito si Mandie.

Jong:  Wow!  Hindi ka na mukhang siga ng batalan. Para ka ng Mafia Boss! Ang gara ng suot mo ah.  Tsaka kahit papano amoy babae ka na.  Hindi mo na ninanakaw yung pabango ni Sir Joaquin.

Astig  II (The Promise)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon