Kinabukasan niyaya ni Maya na magcoffee at magshopping si Janine. Tuwang-tuwa naman si Janine na nakipagkita sa kaibigan. Nang magkita sila sa Starbucks sa may parking area ng Alabang Town Center masayang nagbeso ang dalawa.
Janine: Maya, am so glad nagyaya ka. I am getting bored sa shop papano naman si Sheryl lahat na siya na ang gumagawa, hindi ko naman mapigil kase alam ko namang kailangan niyang malibang para huwag niyang maalala ang kalagayan ni Becca.
Maya: I am also really glad that you can come. Pagpasensyahan mo na din yung kapatid ko alam mo naman may pinagdadaanan.
Janine: I understand naman kaya nga nung magtext ka naisip ko din para makaalis ako at hindi naman isipin ni Sheryl na napipilitan lang akong ipagawa sa kanya mga trabaho sa shop. At least kung wala ako alam niyang siya lang talaga ang maasahan di ba?!
Maya: Salamat sa pangunawa mo. You know what besides the fact na hindi mo ako itinuring na kaagaw sa panahon ni Baste, yung pagiging understanding mo is what I like most about you. Kahit noon pa man, ikaw ang nakaintindi sa pinagdaanan kong insecurities sa pamilya ni Joaquin. Kaya nga alam kong maiintindihan mo din ang gusto kong idiscuss sa yo tungkol sa mga anak natin.
Janine: Why? Is there another problem? Ano ba naman yang mga batang yan... hindi na natapos ang mga problema nila!
Maya: Actually, hindi naman problema but I still want to help them anyway. Kagabi nandon kami sa mansyon nila Robby, napagusapan ang kasal. Naku mukhang parehong wala pang balak yung dalawa. Sabi ng binata mo naiisip naman na daw niya pero hindi pa nila nadidiscuss at iniisip lang naman daw niya ay ang nararamdaman ng dalaga ko.
Janine: But they are both of age! He is turning 30 and after all of what they have been through it is about time that they settle down. Naiinip na nga ang daddy sa kakaintay ng apo eh. Ano pa ba namang hinihintay ng dalawang yon?!
Maya: Ewan ko nga ba?!
Janine: Well in fairness to my son, he has always been a gentleman that way, something that he got from Baste. Pero tama ka sometimes nakakainis. Walang thrill di ba mas okay yung maginoo pero medyo bastos?!
Napabungisngis ang dalawa
Maya: Alam ko, kilala ko si Baste kahit lumaki sa lansangan tumanda itong may respeto sa tao at paggalang sa nararamdaman ng iba. Kaya nga kami naging matalik na magkaibigan di ba? Tsaka naalala mo ba? Kinailangan mo pang unang gumawa ng move para maging kayo kahit na halatang halata namang patay na patay siya sa yo?
Nagtawanan sila at naghigh five pa.
Janine: Hmmm, I think this needs to be something like that. Pero kilala ko din ang dalaga mo, she's very different from me. Making the first move on a kiss I know she can do pero beyond that palagay ko nasalo niya ng sobra ang pagkamanang mo noon.
Maya: Palagay ko nga din, pero one thing with her... she does not like to be dared. Kaya... sa pagkakataong ito I need Jaybee to be proactive, or in tagalog "maginoo pero medyo bastos."
Nagtawanan ang magkaibigan.
Janine: I like that so... what is your plan?
Maya: I just want them to have a taste of being together alone in one roof for a few days. I just need you na payagan mong magovernight ng ilang araw si Jaybee kasama si Mandie. Then we'll see what happens.
Janine: No problem with that... pero papano mo naman gagawin yon ng hindi nahahalata that we set them up?
Maya: Babyahe sa Asya si Nanay kasama si Tito Rod at Daddy Rick. Isang linggong maiiwan si Becca sa mansyon at walang makakasama. I will suggest na sila ang magbantay kay Becca para makapagbahay-bahayan ang mga yon.
BINABASA MO ANG
Astig II (The Promise)
RomanceSi Jaybee at si Mandie parehong Astig sa kanya-kanyang larangan. They know each other but they don't treat each other as friends. Wala silang history pero palaging nagkukrus ang kanilang daan. Pagkakataon, tadhana o coincidence ba? Ang iisang ba...