Sa hinaba ng sinabi ni Mandie, iisa ang malinaw na tumatak sa isip ni Jaybee, tinawag siya ni Mandie ng Sebastian. Ibig sabihin she means business. Ibig sabihin seryoso at totoo ang mga binitawan nitong salita. Ibig sabihin hindi ito basta nagdadrama queen lang katulad kapag naglalambing ito. Sa ngayon, sa pagkakataong 'to alam niya kapag hinayaan niya itong mawala sa paningin niya ay hindi na niya ito kailanman makikita.
Jaybee: Mandie, WAIT!
Nagmamadali nitong iniliko ang kanyang wheelchair at sinundan ang lakad takbong si Mandie palabas sa garahe papuntang tarangkahan. Narinig ni Jaybee ang tunog ng isang humaharurot na kotse.
Jaybee: Amanda, wait, let me explain!
Pero lalo lang nagmabilis si Mandie kasing bilis ng pagbalong ng mga luha sa kanyang pisngi.
Bumilis ang tibok ng puso ni Jaybee, masakit para sa kanya na halos ayaw ng marinig ni Mandie ang ano mang sasabihin pa niya. Hindi naman niya masisisi ang dalaga dahil totoo naman ang lahat ng sinabi nito. Sa bawat pagkakataon ay pumapayag lang siya sa lahat ng gusto nitong gawin dahil ang akala niya ikatutuwa nito na lagi niyang sinusuportahan ang mga mithiin nito sa buhay. Ang alam niya napapasaya niya ito kapag pinagbibigyan niya ang mga ginagawa nito. Kahit minsan hindi niya naisip na mas gusto nitong pigilan siya o huwag siyang sumangayon dito para malaman nito na ayaw niyang magkalayo sila.
Bumilis ang kanyang paghinga pati ang mga kamay sa pagikot ng gulong ng kanyang wheelchair para abutan ito.
Bago makatawid ng kalsada narinig pa ni Mandie ang boses ni Jaybee.
Jaybee: Amy, wait please!
Habang humahabol si Jaybee ay humahabol din si Enrico at Estong sa amo. Nang marating ni Jaybee ang gilid ng kalsada ay nakatatlong hakbang na si Amanda patungo sa gitna nito. Nakita ni Jaybee ang sasakyang humaharurot na narinig niya.
Jaybee: ECHO PUSH ME OVER!
Malakas na itinulak ni Enrico ang wheelchair at dere-derecho ito sa likod ni Mandie na sa pagtama ng binti ni Jaybee sa likod ng binti niya ay nagulat at napaupo sa kandungan ni Jaybee. Mahigpit na niyakap ni Jaybee si Mandie at iniyupyop ang mukha nito sa kanyang dibdib at sinapo ng isang kamay ang ulo ng dalaga. Halos mahagip sila ng mabilis na parating na sasakyan at sa sobrang lakas ng pagkakasalya ni Enrico ay napasubsob sila sa damuhan at sabay na nahulog sa wheelchair at napaupo sa lupa pero nanatiling yakap pa rin ni Jaybee si Mandie.
Malakas na prumeno ang sasakyan, huminto sa di kalayuan at bumaba para lapitan si Jaybee at Mandie. Naiupo na ng maayos ni Jaybee ang sarili at inilayo ang ulo ni Mandie sa kanya at tiningnan ito.
Jaybee: Are you okay? Does anything hurt?
Mandie: I'm okay.
Pinahid ng palad ang may luha pag mga pisngi, namula ang mukha nito sa pagkabigla. Lumapit na si Mang Estong at itinayo ang wheechair. Lumapit naman si Echo para tulungan makatayo si Mandie ng biglang magsalita ang driver ng matulin na sasakyan.
Driver: Sir, Mam, Sorry ho, Are you alright?
Bigla ang galit na rumehistro sa mukha ni Jaybee... pulang pula ang mga pisngi at nanlilisik ang mata. Bigla itong tumayo at inundayan ng suntok sa panga ang lalaki. Sa lakas ng suntok ay napabalandra ang lalaki sa lupa. Sapo ang sariling panga.
Jaybee: Papatayin mo ba ang girlfriend ko? TARANTADO KA!
Pare-pareho silang nagulat sa ginawa ni Jaybee, natunganga tuloy sila at walang nakakilos man lang.
Dalawang beses na humakbang si Jaybee bahagyang yumukod para maabot ang lalaki at pinityarahan ito.
Jaybee: You are not on a race track you moron! This is an ordinary road at maraming tumatawid dito! You almost hit her!
BINABASA MO ANG
Astig II (The Promise)
RomanceSi Jaybee at si Mandie parehong Astig sa kanya-kanyang larangan. They know each other but they don't treat each other as friends. Wala silang history pero palaging nagkukrus ang kanilang daan. Pagkakataon, tadhana o coincidence ba? Ang iisang ba...