Chapter 9 - Laying the cards

969 97 11
                                    


Kinabukasan nagising si Jaybee sa mga boses sa labas ng tent nila.  Narinig niya ang mga pamilyar na boses nila Kuya Jake,  ni  Raquel ang Executive Assistant ni Don Ricardo, ni Don Ricardo at ni Joax.

Don Ricardo:  Raquel I told you this is not a good idea. Nakita mo na muntik ng mapahamak ang mga bata.

Raquel:  Pero Sir,  your instructions were to ask Mandie to organize something that the young adult will be able to relate, enjoy and learn something from.  Si Mandie po ang pumili nito. 

Kuya Jake:  Don Ricardo, all has been taken cared of naman po. Yung mga nanggulo are still detained.   Kahit ipablotter ninyo pwede naman. You can make your complain. Although, Mandie decided last night to detain them at the Tourist Police to learn a lesson or two. Pasensya na ho talaga, rare incident naman po kasi ito. 

Don Ricardo:  Anong rare incident, ibig mong sabihin ang mga apo ko pa at mga kaibigan nila ang nagdala ng gulo dahil nangyari ito?

Kuya Jake:  Hindi po, ngayon lang ho kasi nakakita ng sobrang gagandang mga babae tulad ng apo ninyo ang ibang mga guest kaya ayon umakyat sa ulo ang kalasingan.

Nagtawanan sila, napangiti na din si Ricardo. 

Don Ricardo:  Fine,  magdasal silang hindi nabastos o nasaktan ang apo ko kung hindi, hindi lang sila sa kulungan pupulutin kung hindi pati mga magulang nila irereport ko.  Hindi nila tinuruan ang mga anak nila ng tamang asal at tamang paginom!

Joax:  Dad, let's not make a big deal out of this.  Kasama sa paglaki ang mga ganyang experiences. Besides Mandie is really trying hard to be responsible. Let's give her a chance.  Kapag nalaman niyang nakikialam pa tayo, she will not like it.

Don Ricardo: Oo na Joaquin! But I will held you responsible kapag hindi nagtanda ang mga taong yon!  Pero  gusto ko pa ring makita ang mga umagrabiyado sa apo ko at mga kaibigan niya.

Kuya Jake:  Palagay ko Sir kapag nakita ninyo ang mga pasang inabot nila mula sa apo ninyo hindi ninyo iisiping ang apo ninyo ang agrabiyado eh magaling ho pala sa martial arts eh.

Nang marinig yon ni Jaybee, tuluyan itong bumangon.  Nagmamadaling  nagmumog at lumapit sa mga naguusap.

Jaybee:  Good morning po Lolo Ricardo! 

Don Ricardo:  Hijo, mabuti na lang kasama ka kung hindi baka kung napapano na si Mandie.

Jaybee:  Lolo, you know I won't let anything bad happen to her.  Besides you know Mandie, she can really take care of herself and her friends.  Bago ko nga siya natulungan nailigtas na niya yung iba eh.

Don Ricardo:  But still I am thankful that you are around Hijo.  Now, I regret letting Mandie take care of this. Imbes na magenjoy nasaktan pa ata.  Mabuti pa pagkagising nila you all join us na sa kabilang resort.  May entertainment area naman doon, you can all do videoke, play board games, basketball, volleyball or badminton. May video games din sila doon.

Jaybee:  Lolo, Mandie will be sad if you pull us out from here.  She would think that her chosen activity failed and she will be disappointed with herself. 

Raquel:  Tama si Jaybee Sir, kung nakita ninyo how her face light up when she heard that you are letting her decide... ang saya po niya.  

Joax: That's right. Ang saya niya nung ikwento niya sa amin ni Maya that you are letting her handle their activity.  She said, at least by now you consider her an adult  that can handle a responsibility.  If you want her to learn to accept her responsibility in the company, you will have to show her and make her feel that you trust her and think that she is responsible enough to do this kind of things.

Astig  II (The Promise)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon